Upcoming Events
Sorry, no events to display. You can add your own events by logging in fist and selecting Events from the User Menu
 
 
 
2008-02-01 Message of Beloved Ingkong at EDSA (transcribed)

Play this media to listen to our Beloved Ingkong's message for all of us last February 01, 2008 at EDSA.

 

Is the playback too fast making it sound like the chipmunks? Then you need to update your browser's Flash player. Go to Adobe and download the latest Flash player. It will only take you a couple of minutes.

You can also download the file/s so you can share it with your friends and loved ones. You can put them on your cellphones that support MP3 files. Just right-click on the link/s below and then select "Save Target As..."(Internet Explorer) or "Save Link As..."(Firefox) to save to your disk.

  • 2008-02-01-A(before-tatakan).MP3 (9 MB)
  • 2008-02-01-B(after-tatakan.MP3 (9 MB)
  • 2008-02-01-C(after-dulugan).MP3 (2 MB)
  •  

    To listen to the previous recordings, go to the MESSAGES section of our website.

    2008-02-01 Message of Beloved Ingkong at EDSA
    Transcribed by: Apo Bienvenida de Alexandria (Nifre Legarda)
    (Disclaimer: The publisher did not verify the accuracy of the transcribed contents)

    February 01, 2008 – BEFORE TATAKAN

     

    Mahal na Ingkong:  Gloria in Excelsis Deo

    People:  Alleluiah

    Mahal na Ingkong:  Gloria in Excelsis Deo

    People:  Alleluiah

    Mahal na Ingkong:  Gloria in Excelsis Deo

    People:  Alleluiah

    Commentator:  Sambahin po natin ang Mahal na Ingkong sa katauhan ng ating Mahal na Patriarka

    Santo, Santo, Santong Panginoong Diyos na makapangyarihan napupuno ang langit at lupa ng kaluwalahatian mo, Osana sa kaitaasan

     

    Pagpapala buhat sa Ama, Anak at Espiritu Santo…Nalulugod ako at natutuwa na sa hamon na ibinigay ng Diyos sa mga tapat na nananampalataya sa ibang ibang rehiyon narito kayo at gumaganap sa tamang bilang na inaasahan ko at nais kong mangyari.  Tatlong rehiyon, tatlong linggo ang nakalipas kung saan walang tatakan at ngayon nga ang kahulihulian na tatakan bago pa man dumating ang inyong tinatawag na kuwaresma.   Sa darating na Miyerkoles, ay Mierkoles di abo na. Ibig sabihin wala munang pagtatatak. Ang lahat ay gagawin muna ang mga retreat, ang banal na pagliligpit upang higit na matuto ang bawat isang tinatakan.  Tinatanggap ko at pinahihintulutan ang kahit na mga walang tatak kung gustong sumama at mag-aral, pinapayagan ko.

     

    Marami ang mga pangyayari, maraming ibat-ibang mga kadahilanan at kasagutan sa maraming katanungan… at lahat.  Bahagi ito ng kagampanan ng pakikiisa ng Diyos sa tao.  Pero pakatatandaan ninyo…. ang gawi ng Diyos ay hindi gawi  ng tao at gawi ng tao ay hindi gawi ng Diyos. Kundi titignan mo ang dalawa, Higit na may kapangyarihan, higit na may kalinangan, higit na maayos ang sa Diyos

     

    Ang katalinuhan ng tao, ay kamangmangan lamang sa Diyos, anumat may pananampalataya ka subalit walang gawa, baog ito.  Sino man at alin man sa mga nilalang ng Diyos na mapahiwalay sa Diyos, walang biyayang dadaloy, wala siyang silbi, wala siyang kwenta at hindi siya nararapat.

    Minamahal ko kayo,,, bagong Jerusalem.  Binigyan ko kayo ng pagpapala…. pagpaparangal.  Tunay na mundo ninyo ay hindi bumabata, patuloy ito sa pag-inog.  Kung merong simula…. may hangganan.  Ngayon nalalapit ang kwaresma, sa lahat ng mga tinatakan lalo na… yung mga luma at matagal na sa kagampanang ito ng  Diyos Espritu Santo.  Diyos Espiritu Santo…walang laman, walang buto maglilingkod sa tao kaya gumagamit ng tao. Itoy tatlong dekada ng paglilingkod at pakikipag-ugnayan ng Diyos sa tao. Una ay sa Ama..na si Yahweh, pangalawa’y sa Anak na si Hesus, ang  manunubos kaya tinawag na Kristo….Ngayon naman bilang Ingkong, Espiritu Santo..nagpapabanal….nagpapaganap..naririto ako sa batang ito. Ang batang ito ang una kong ginamit natagpuan ko ang pananampalataya niya habang siya ay nag-aaral ng kanyang pagpapari sa loob ng Ateneo De Manila University, sa  pangangasiwa ng mga hesuwita doon sa San Jose Major                          seminary.

     

    Bilang isang matanda, bilang ermitanyo bilang Ingkong…tinanong ko siya, 5:30 ng madaling araw habang siya ay nagninilay patungo sa paghahanda sa unang mga oras ng pananalangin at pagmimisa, “Anak..maari mo ba akong tulungan..” Ang sagot ng batang ito…. sa mura niyang edad na 18,  “Kung ang hinihiling niyo po na tulong ay sa ikaliligtas ng mundo, gawin niyo sa akin ang nararapat…”

     

    Sa tinuran ng batang ito, nagkaroon ng malaking himala, ipinakita ko ang tunay kong anyo bilang Hesus sa kanya at doon siya napaluhod, umiyak at natakot  subalit sumusunod sa bawat sabihin ko sa kanya.  Natakot siya sapagkat nakita niya na ang aking mga paa ay hindi na nakatuntong sa lupa bagkus nakalutang sa hangin.  Sinabi ko sa kanya, “Tignan mo ako at pagmasdan mo, kilalanin mo kung sino ang nasa harapan mo.  Kahit siya ay nakaluhod at nakayakap sa aking mga binti, sumunod siya at nakita niya ako.  Ang sabi niya, “Diyos ko, Panginoon ko...” palahaw niyang winika.  Dahil dito pinatayo ko siya, ibinilin ko sa kanya ang lahat ng mga mangyayari, lahat ng mga propesiya, lahat ng mga dapat maganap.  Winika ko sa kanya, “Mapalad ka anak umabot ka sa huling patak ng aking dugo sa kalbaryo kung kinakailangan mo ako, ako’y madarama mo at ako ay pasasaiyo.  Mula sa iyo at sa lahi mo, mabubuo ang bagong Jerusalem at masusulat ang ikatlong tipan.  Bago ko siya iniwan gumawa ako ng Kobenante sa Diyos Ama, habang ang aking kanang kamay ay nakaputong sa kanyang kaliwang balikat.  Tinawagan ko ang Ama na si Yahweh, tinaas ko ang ang aking kaliwang kamay sa kalawakan.  Doon lumabas ang mukha ni Yahweh at pinutong naman niya ang kanyang kaliwang kamay sa kanang balikat ng batang ito at doon sapagkat winika, “Sa Iyo Ama ay inahabilin ko ang espiritu at kaluluwa ng batang ito.” Na doon siya nawalan ng malay tao. Taong 1968 ang lahat na iyan….. ay simulang gumanap. Isang taon at kalahati kong ginamit ang batang ito bago ko nasumpungan ang aking esposa, ang banal na luklukan, na ngayon ay santang tunay sa piling ng Ama sa langit at yan nagawa ko sa pamamagitan din ng batang ito ……at ang lahat ng kasaysayan na may kinalaman sa akin…. at sa aking simbahan, hanggang sa wakas ng aking paglilingkod sa mundo lahat ng iya’y pinaraan ko at pararaanin ko sa pamamagitan kay Juan Bautista na walang iba kundi ang bata ring ito   Pakatatandaan ninyo si Juan, si Elias at ang inyong Papang ay iisa, na ang lahat ng pagpapala ay naririyan maging sa bibig ng tunay na luklukan, banal at Santang tunay winika ko…. wala ng pinakadakila na nabuhay sa mundo sa aking kapanahunan na dadakila pa sa inyong Patriarka sapagkat tunay lahat ng tao ay may kahinaan bakit doon itutuon ng Diyos ang Kanyang paningin.  Hindi baga dapat ituon Niya sa mga paglilingkod, sa mga kagitingan ng pananampalataya, pananampalatayang may gawa.  Sino sa inyo ang makapag-iiwanan ng pamilya na winika Ko bilang Kristo, “Ang sinumang magmamahal sa magulang, sa ina, at sa ama ng higit sa Akin bilang Hesus, ay hindi karapatdapat sa buhay na walang hanggan.  Ang sinuman magmamahal na higit kaysa sa akin sa kanyang mga anak at sa kanyang kapaligiran ay hindi rin karapatdapat sa aking kaharian. Ang batang ito’y iniwan maging  ang lahat sa buhay  niya…sampu ng kayamanan, pati mga anak ipinagkatiwala sa akin.  Mula noong nasumpungan niya ako ni hindi na siya humiwalay hanggang nga…. naglingkod sila, kasama niya ang kanyang ina sa sacrifice valley. At ng namatay ang kanyang ina, di pinasan niya ng buong-buo ang mundo sampu ng lahat ng kagampanan ng mga tinatakan.  Ang tunay na gumaganap at ang mga naging hator, ang sumuway, at ngayon naririyan.  Pati simbahan, pinapasok ng mga anay at mga bukbuk, bagamat nandudoon ang pagkakataon ng pagtatalaga……ng pagtataas, ng pagbibigay…pakilala.  Sa halip na magpakababa, tulad ng mga uhay na palay, kapag ito’y nahihitik sa bunga…..yumuyuko…nagpapakababa.  Kaya lang may mga taong sadya…. na kung kelan mo itinataas lalong lumalaki ang ulo, parang langaw.  Tumuntong lang sa ibabaw ng kalabaw mas malaki pa ang pakiramdam kaysa sa kalabaw.  Maglilingkod ako…..

     

     

    Mahal na Ingkong:  Sinong maghahandog?

     

     

    Pag-aalay

     

    Ave Maria Purisima (3x)

    Mahal na Ingkong:  Sin Pecado Con Su Vida

     

    Isang magandang magandang umaga, Mahal na Ingkong.  Narito po kami sa Inyong harapan ngayon na tatlong Rehiyon, sampu ng mga kasama naming opisyales na mag-aalay po, maghahandog ng isandaan, animnaput anim na kaluluwa.  Mahal na Ingkong, nawa kung sila po ay pagkalooban po rin ng mga banal na ipinagkaloob Mo po sa amin.  Sila naman po ay tumanggap na ng Banal na Pag-aaral at ganun din po sila po ay nangumpisal na.  Nawa po humihingi po ako sa Inyo ng kapatawaran, Mahal na Ingkong.  Maraming salamat po.

     

    Mahal na Ingkong:  Minamarapat Ko ang paghahandog.  Bukas o mamaya…ay isang pangkalahatang pagpupulong ng lahat ng mga tinatakan.  E…halos maghapon ang pagpupulong na ito sapagkat may mga paghahandog…Aah.. ulat ng ibat-ibang mga Rehiyon at may pagtatalaga rin ng bagong pamunuan.  Minamarapt Ko, na maging maayos…mabilis at merong…..kalinangan, ang mga pagpupulong.  At dahil sa mga bagong itatalaga na pamunuan…higit Kong inaasahan ang kagandahan lalo ng pagganap sa tawag ng paglilingkod.  Humihiling Ako ng mga kaluluwang inihahandog, sapagkat iyan naman ang dahilan sa tawag ng pag-ibig, nilalang ng Diyos Ama…ang tao.  Ayon sa Kanyang wangis, ayon sa Kanyang anyo.  Ang Diyos ang pasimula pa-Espiritu at kapangyarihan.  Kaya ang Diyos sa pagkakalalang sa mga tao, ang wangis ay walang iba kundi ang Espiritu at kaluluwa.  At ang kapangyarihang ipinagkaloob Niya na natatangi lamang sa mga tao ay kapangyarihan at katalinuhan at ang kapangyarihan ng kalayaan.  Nasa tao lamang ang talino para malaman ang tama at mali.  Ang tuwid at baluktot.  Ang puti at ang itim.  At nasa tao pa rin ang pagpapasya, kung siya ay susunod sa Diyos o tatalikuran niya ang Diyos.  Na dahil dito merong pananagutan at responsabilidad ang tao.  Walang taong nagpupunta sa langit ng hindi niya alam na doon siya tutungo.  At wala rin naming tutungo sa impiyerno’t sa kaparusahan na hindi niya alam.  Dito pa man sa daigdig, doon siya tutungo.  May paghahanda na sinasabi.  Nandiyan naman ang halimbawa at paggagabay sa buhay ng mga banal, sa buhay ng mga naglilingkod.  Mismo sa buhay ng inyong Mahal na Inang Birhen at sa buhay ng inyong Panginoong Hesukristo.  Walang alipin na higit pa sa kanyang panginoon.  Ang tao, ang mananampalataya.  Wala namang gagawin kundi makinig lamang at sumunod sa Diyos.  Pag ito ang ginawa ng tao at anumat hindi siya magtagumpay, ligtas pa rin siya.  Sapagkat nagtiwala siya sa tama, sa dapat at sa matuwid.  Nihahandog at hinihiling sa pamunuan ang mga kaluluwa.  Bakit kaluluwa?  Sa pamamagitan ni Kristo, sa Kanyang kamatayan sa krus.  Inalay Niya ang Kanyang buhay, hindi para sa anupaman. Hindi para tao ay maging mayaman.  hindi tao ay para maging magiting…..hindi tao ay para maging makapangyarihan. Kundi para ang tao ay maligtas at katotohanan Ko winiwika sa huli at tatlong pagkakataon bilang Espiritu Santo….gumagamit man Ako ng tao tulad ng batang ito.  Wala pa rin akong hinihiling kundi ang kaligtasan ng kaluluwa.  Ang katawan ng tao’y mula sa alabok at sa alabok muli itong babalik.  Itong magugunita niyo’t -dapat sumapuso at isipan ninyo, sa araw ng Miyerkoles de Abo, kung saan ang bawat isang Kristiyano’t Katoliko papahiran sa noo.  Mula sa alabok, mula sa uling ng mga palaspas, at iya’y wiwikain ng Pari, “pakatatandaan mo kapatid…ikaw ay mula sa alabok at sa alabok, ika’y muling babalik.”  Kaya’t gumanap ka at maglingkod ka.  Sumunod ka’t manampalataya.  Ito lang naman ang kagitingan ng tao…ang sumunod ka sa Diyos, ang maglingkod ka sa Diyos, ang magmahal ka sa Diyos.  Sa pamamagitan ng paglilingkod, pagsunod at pagmamahal mo sa kapwa mo.  Sapagkat anuman ang ginawa mo sa kaliit-liitan mong kapatid, hindi mo ginagawa sa kanya kundi sa iyong Panginoong Diyos.  Bakit nga ba ganoon?  Hindi baga katuruan ng simbahan at minamandato Ko, sa binyag…nagiging Anak na ampon ka ng Diyos Ama.  Sa binyag, nagiging kapatid ka ni Kristo.  Sa binyag,  nagiging templo ka ng Espiritu Santo.  Alalaumbaga sa lahat ng binyagang nandidiyan, ang Espritu ng Diyos, ikaw ang tahanan Niya.  At sa binyag din,  tagapagmana ka ng kaharian ng langit.  Kung ang tao lamang ay magpapakababa, itataas siya ng Diyos.  Pero ang taong nagpapakataas-taas, ibaba ng Diyos. Si Kristo bilang kapantay ng Diyos Ama, may kapangyarihan….may kakanyanan.  Pwedeng baguhin ni Kristo ang mundo, sa pamamagitan lamang ng isang palakpak, pitik ng mga daliri o pagkindat ng mata.  Pero bakit pinili Niya ang magpasan ng krus?  Pinili NIyang alipustahin Siya ng tao, saktan, sampalin, duraan at putungan ng tinik at papasanin ng mabigat na krus na kahoy.  At hanggang doon sa bundok ng mga bungo’t, sa Golgota, pinako sa krus, inalay Niya ang kanyang sarili.  Subalit bago umalis ang Kanyang kaluluwa, at ibigay Niya ang buhay Niya sa pagsunod sa Ama.  Nandoon pa rin ang pag-ibig ng Diyos sa tao, sa kaluluwa nito.  Inalay Niya ang Kanyang buhay bago pa man tinawag Niya ang Kanyang Ina,  “Babae, hayan ang Iyong anak….” Itinuturan Niya ito kay Apostol Juan Evangelista na kumakatawan sa sanlibutan.  Ganoon din naman ang sinabi Niya kay Juan,  “Lalaki, yan ang iyong ina”.  Alalaumbaga, pinauugnay Niya ang mundo kay Maria at si Maria nga ang naging daan ng lahat ng biyaya’t grasya.  Mediatrix of all graces and yet there is one more important thing that Mama Mary has….she always make a co-redemtrix.  Kasama sa pagliligtas ng tao.  Kaya walang higit na pagkakamali.  Ang ginagawa ng ibang mga Kristiyano daw na kumikilala sa iisang Diyos, tatlong persona,  Nagbabanggit sa pangalan ni Hesus bilang kanilang tagapamahala, Panginoon at tagapagligtas.  Pinupuri at dinadakila……alleluiah, praise the Lord…..si Kristo…pero ang Ina ni Kristo, na dapat Ina rin nila….inaalimura.  Hindi ginagalang.  Pinararatangan pa ng kung ano-ano.  Hindi raw birhen…hindi raw banal.  Kung hindi birhen at hindi banal si Maria? Yung iaanak kung hindi banal, banal ba?  Dapat hindi rin banal, pero banal si Kristo.  Kaya winiwika at pinapayagan ng simbahan, si Maria…..Ina ni Kristo.  At sapagkat si Kristo’y Diyos, Ina ng Diyos.  Mahirap bang tanggapin ito?  Kung ang pundador mo si Manalo ay ginagawa mong anghel sa silanganan na malalaki ang pakpak.  Eh tao lang naman ito at si Kristong Panginoon ay ginagawang mong pangkaraniwang tao, parang may papel pa ang kristo sa sabungan kaysa sa Kristong napako sa krus.  Pinaniniwalaan mo iyan.  Mahirap bang paniwalaan na si Maria ay ina ng sanlibutan?  Mother of all Nations? Si Maria, na sa pamamagitan Nito at sa kataga ni Kristo, inihahabilin ang mundo, sa babaeng banal.  Ang lahat ng himalang nangyayari sa buong mundo.  Libo at laksa,  sinong gumaganap? Sinong pinagdadaanan?  Si Maria…kaya pangalan ni Maria, pakikipag-ugnay sa mundo, libo at laksa rin.  Meron bang gumanap na Kristo?  Wala….Ang muling pagganap ni Kristo ay Kanyang muling pagparito, sa ikalawang pagkakataon.  Hindi bilang isang sanggol sa sabsaban kundi bilang isang hari, isang hukom…na magpapahiwalay sa mga tupa, sa kambing at kambing sa tupa na merong kapangyarihan magdala ng mga kaluluwa sa langit at ibaba naman sa impiyerno ang mga makasalanan.  Sa ikalawang pagparito ni Kristo, pakatatandaan niyo mga anak ay paghuhukom ng mundo.  Kaya kung meron kayong naririnig sa inyong kapaligiran na sinasabing ginagamit siya ng Kristong Hari, na nasa Kanya ang Panginoong Hesukristo, ang Nazareno….iyan ay isang pagpapanggap na tahasan.  Wala sa wisyo…wala sa kalinangan  at winiwika Ko rin, matapos ang kagampanan ni Santa Maria Virginia naging sukdulan sa pagganap ng Inyong Mahal na Inang Birheng Maria…wala na ring Maria na birhen, Ina ni Kristo…ang lulukluk o’ baba sa tao.  Nandudoon na lang sa langit, upang maging malapit sa Ama na sa mga pagkakasala at pagkukulang ng kanyang mga anak ay madali niyang maidulog sa Ama.  Pero ang  Espiritu para bumaba pa sa lupa hindi na papayagan, hindi na magaganap.  Pero napakarami pa ring nagpapanggap, dahil na rin sa gawi ng tao.  Ang tao mapaniwalain.  Konti lang may gumalaw, konti lang na may gumanon.  Kakaiba na hindi ginagawa ng pangkaraniwang tao, bibigyan na ito ng taguri, ng pangalan, ng pagkilala.  Samantalang ito na gumanon, “eehh”, “eeh”.  Nakarinig na, “ang Mahal na Ina, nanduon.”  Inangkin na nga ang Mahal na Ina, sapagkat may naniniwala, na lasing sa taguri.  Hanggang hindi namamalayan, nagliligaw na ng kaluluwa at ang siya bilang bulag, na pinamumunuan ng mga bulag, walang patutunguhan, kundi balon na malalim.  Kaiingat kayo mga anak, kaiingat kayo.  Mahal ko kayo.  Iniibig ko kayo.  Narito ako at   ???                          .  Maraming salamat Teresa, maraming salamat Eleodoro………At itong gumaganap…..anong Rehiyon ang inyong kinakatawan?  …….Na sinong namumuno diyan?  Si Narciso?  Sa susunod na gampanin, matapos mabuo muli ang mga panumuan ng ibat-ibang Rehiyon, pag naglilingkod at gumaganap ang Rehiyon, hindi lamang ang kanilang pangulo o chairman ang nais kong makita kundi ang lahat ng namiminuno kung maari ang lahat ng opisyales……dahil ang bawat opisyales na ‘to ay aasahan ko mga  paghahandog sa kanilang Rehiyon…. sa gampanan nila hanggang doon sa baba, sa grupo….. ng isang kaluluwa.  Alalaumbaga, kung merong sampung opisyales, sa Rehiyon…ang bawat isa maghandog isang kaluluwa.  May sampu nang kaluluwa, subalit ang Rehiyon ay nahahati sa mga Toka, na ang bawat Toka ay may sampu ring opisyales.  Kung lima ang sa Toka, sampung opisyal…..five times ten….may limampu na…hindi ba?   Plus iyong ten sa Rehiyon….Toka pa lang iyan.  Eh, baba pa kayo… sa Distrito.  Ang bawat Toka ay may distrito.  Minsan isa, minsan dalawa. Eh, times….yung dalawa, times two….so, may bente pa diyan.  Twenty plus fifty plus ten…..otsienta na.   Isa pang Rehiyon….eh, may grupo pa.  Kaya inaasahan kong bawat isang aako ng tungkulin, anuman ang level nito.  Mula sa grupo, distrito, toka o sa Rehiyon ay may pangakong ibibigay at bibitiwan sa akin…..  na sa loob ng isang taong paglilingkod nila, halos apat lang na beses sila maglilingkod at sa labing-apat na Rehiyon.  Pali’t palitan.  It will take three months at least bago uli sila gumaganap.  Sa loob ba ng isang….ganapan na tatlong buwan na manggagapas ka…isa lang kaya magagapas mo?  Kung gaganap ka.  Papano pa iyong ordinaryong miyembro, bagamat ordinaryo… buo ang pananampalataya, buo ang giting na gumanap.  Maghahandog din iyan.  Sobra-sobra kaysa limangpu.  Bakit may mga Rehiyon?  Hindi nakagaganap?  Hindi nakakaquota?  Hindi ang paghahandog ng tamang bilang…..kasi hindi rin sumusunod.  Una ang namumuno ay walang rapport…..walang pakikiisa sa mga sinasakupang iba pang pinuno.  Yung mga pinuno…walang rapport sa mga pinamumunuan. Hanggang sa magkatulong-tulong, nagsisinuhan….nagkakanya-kanya…kanya-kanyang racket.  Kanya-kanyang gimmick.  Sinabi ng inyong Ingkong…yung mga matatatakan na iyan….  yung mga bagong magiging miyembro pagdating sa inyo-inyong lugar.  Sabado ngayon ng madaling araw, kinabukasan, linggo.  Magsisimba iyan.  Kahit wala ang pari doon sapagkat ang pari ay  meron mga sunod-sunod na misa.  Yung pamunuan, i-welcome sila matapos ang misa.  Paluhurin sa altar, tanggapin bilang miyembro, ng Rehiyon na iyan, ng distrito na iyan, ng grupo ng iyan.  Hindi baga ito ay magpapalabas sa isang…parang….drama?  Dramang maganda!  Sapagkat may kumakanta, may umaawit na nag-aalay ng kandila.  May tumatanggap….nandun yung magulang, nung tinatanggap.  Nandun yung mga kapatid, yung mga kapitbahay.  Ano ba itong nangyayari?  Winewelcome lang si kapatid na ganito….kasi Apo na siya, ng Apostolic Catholic Church.  Ang ganda naman pala!  Yung tao na bagong tatak makakaramdam na siya pala ay miyembro na ng isang napakalaking simbahan.  Mahigit kayong limang milyon…..na pinaglingkuran na at tinatakan na sa buong mundo.  May mga simbahan na kayo sa buong Amerika.  May simbahan kayo sa Canada, may simbahan kayo sa Japan.  May simbahan kayo sa Hongkong kung saan nga sa darating na a-siyete, ang inyong Papang, sampu ng Arsobispo Juanario, kasama si Apo Cayetano at Apo Veronica, lilipad sa Hongkong para maglingkod doon.  Doon magmimisa ang inyong Papang, sa kapistahan ng Lourdes na February 11 pero gagawing February 10 at kung saan ang lahat na wala pang tatak doon na naghihintay at nais gumanap ay magtatatak at magpapatatak.  Pagkatapos niyan, sa unang linggo ng Marso, lilipad na naman ang Papang ninyo sa Thailand kung saan maraming tao ang naghihintay.  Maaring hindi siya gumanap sa pagtatatak, pero irerepresenta niya ang inyong simbahan sa may international convention doon.  Kinikilala kayo sa buong mundo.  Sa katotohanan nga, ay meron kayong website, may webmaster kayo na ano mang kaganapan dito maaring makita…. sa buong mundo, sa pitong continente.  Kung meron lang silang computer at internet.  Kaya may mga magdadatingan galing sa Africa, galing sa Middle East.  Nagnanais magpa-ordain.  Gumanap sa simbahan.  Sa Amerika, ibat-ibang lahi na ang nanduroon na nagpapari, para sa simbahang ito, ng inyong Mahal na Ingkong.  Pasasaan ba, pagdating ng panahon…kahit na magtungo ang tinatakan ay meron ding mga tinatakan nandodoon.  Para kayong Jaycees, para kayong Lion, para kayong mga Rotarians kung saan wala kayong matuluyan, tignan niyo lang ang roster ng mga tinatakan.  Ang mga addresses nito’t magtawagan kayo.  Merong tatanggap sa inyo.  May magwewelcome sa inyo.  May magpapatira sa inyo.  May maggaguide sa inyo.  May tutulong sa inyo.   Sapagkat layunin Ko bilang inyong Ingkong, sa pamamagitan ng lahat ng tinatakan, makadama ng …..bilang isang pamilya, kapatid ang bawat isa sa buong mundo.  One family under God.  Isang pamiya sa ilalim ng Panginoon.  Hindi man kayo pari.  Hindi man kayo madre.  Lahat ng tinatakan, bata’t matanda, lalaki at babae ay ginagawa kong mga misyonero ng Diyos.  Sapagkat ang tunay na misyonero ng Diyos ay nagwiwika at nagsasalita….nagbabandila ng ganapan ng Diyos.  Bakit hindi niyo gagawin?

     

     

     

     

     

     

     

     

     

     

     

     

     

     

     

     

     

    February 01, 2008 – After tatakan

     

     

    Mahal na Ingkong:  Ang lahat ng inyong mga pagkukulang, pagkakasala, kalabisan at kamalian ay pinatawad ko.  Alalaumbaga,  kinuha ko ito mula sa inyo …ang hindi ko kinuha sa inyo ay ang kalayaan ninyo.  Upang higit ninyong maipakita at  maipakilala sa akin na karapatdapat kayo sa Aking pagpapala at sa Aking pagtitiwala.  Ang dapat kahalintulad niyo ngayon ay mga bata, bagong silang na sanggol na walang bahid dungis kasalanan.  Dapat nararamdaman niyo ang kaluguran  ng katawan, kagaangan nito sapagkat itinataas kayo ng mga banal.  Ang mga banal na ipinagkaloob Ko sa inyo sampu ng inyong kaluluwa ay dapat magsama at mag-isa.  Dito natutupad….ang hula ni Propeta Jo-el, ang pagsasama ng mga taga-langit at taga-lupa at kay Propeta…..Isaias…na sa takdang panahon, ibubuhos ng Diyos ang Kanyang mga Espiritu sa laman.  Kayo ang Aking magiging paa, kayo ang Aking magiging bibig, kayo rin ang Aking magiging kamay sa paglilingkod sa inyong mga kapwa.  Pakatatandaan ninyo sa inyong pagkilos, sa inyong pananalita at buhay, lagi ninyong dala-dala ang inyong mga banal na tatak.  Sa sandaling kayo ay magkasala, sapagkat hindi naman perpekto.  Nandiyan ang sakramento ng pagbabalik-loob, ang pangungumpisal.  Magbalik-loob kayo at magsisi, para hindi kayo iwan ng inyong mga banal na tatak. Sumunod kayo at maglingkod.  Magmahalan kayo.  Maglingkuran kayo. Ano mang bagay na ginawa niyo sa pinakamaliit niyong kapatid, ginagawa niyo sa Akin.  Kaya kung minamahal niyo ako, kung ginagalang ninyo ko at sinasamba. … Ang lahat ng pagpapala ay ipagkakaloob Ko sa lahat ng mga sumusunod at nagtitiwala.  Mabuhay kayo bilang nagbabanal na angkan sa mundo.  Tunay na ayaw ni satanas, ang kaaway ng Diyos na may nagbabanal.  Kaya nandiyan ang mga pagsubok, kaliwa’t kanan.  Minsan ang pagsubok na dadalhin  nyo ay magmumula pa sa mismong mga mahal niyo sa buhay, mga kaibigan, mga kapitbahay, mga kasama sa tanggapan, mga kaeskwela at lahat.  Pero pakakatandaan ninyo, sampu man o’ isandaan mang satanas ang manukso sa inyo, kung ayaw ninyo, hindi siya magtatagumpay.  Alalaumbaga tulad din, sampu man Kristo ang magpapako sa krus, para maligtas ka, pero ayaw mong sumunod…wala rin itong magagawa.  Pakiramdaman niyo ng husto ang mga banal niyong tatak.  Ipinagkaloob Ko na mga banal galing sa bayan ng Alexandria, mula sa Ehipto. 

    Mahal na Ingkong:  Ave Maria Purissima….

    Bayan:  Sin Pecado Con Su Vida

    Maari niyo ng idilat ang inyong mga mata at maari na rin kayong magsiupo pangsumandali.  Marami akong nakita sa inyo, na ng oras mismong ibinaba Ko ang banal nila.  Nakita ko ang kaluguran ng kaluluwa.  Merong umiiyak, may nagsisisi ng tapat. May umiiyak dahil nagtitika ng tapat.  Pero meron ding umiiyak, kasi nahihirapang lumuhod.  Masakit sa tuhod.  Hindi sanay.  Meron naman, masakit na ang tiyan.  Masakit na ang kuyukot.  Ganun pa man, mapalad kayong lahat sapagkat ipinangindapat Ko kayo at tinanggap Ko kayo.  Pasalamatan ninyo ang mga kaluluwang nag-alay sa inyo, naghandog sa inyo.  Ngayon ay tungkulin naman kayo sa Akin na humanap din kayo ng mga kaluluwa, kapalit at pagbabalik-bayad doon sa mga taong nag-alay sa inyo.  Kayo naman ngayon ang mag-alay.  Sapagkat ang biyaya niyo’y banal.  Hayaan niyo ito ay dumaloy sa mga mahal niyo sa buhay.  Tunay hindi habang panahon ay magtatatak Ako, sa sandaling ang inyong Papang, ang batang ito, na sa kanya Ako nagsimula at sa kanya rin ako magwawakas.  Sa sandaling ang batang ito ay kunin ng inyong Ama sa langit, at pumisan na siya sa kanyang Ina sa langit. Wala na kayong Ingkong na maririnig.  Wala ng Ingkong na magpapayo at magbibigay sa inyo ng kasiyahan.  Wala nang pagtatatak.  Lahat ng biyaya na lang ay padadaanin Ko sa pamamagitan ng mga sakramento’t paglilingkod ng Aking simbahan. Pakatatandaan niyo, halos lahat ng simbahang bumabanggit sa Pangalan ni Kristo’y, tinatag sa pangalan ng ikalawang Persona ng Diyos, sa Pangalan ni Hesus.  At tunay lahat ng pahimatok, pahimas, pahimatok, lahat ng panalangin.  Lahat ng bagay sapagkat ito’y Kristo ang nagbalik-loob sa tao sa Diyos Ama ay padadaanin sa pangalan Niya.  Pero katotohanan hindi naman Siya ang hangganan sapagkat may Espiritu Santo nga walang iba iyan kundi Ako.  At kung ang Ama ay merong pananampalataya o’ simbahan, at ang Panginoong Hesukristo ay meron din.  Natatangi ang Espiritu Santo, iisa lang ang simbahan Niya.  At walang iba iyan kundi ang Apostolic Catholic Church.  Ang ibang simbahan ay gagamit pa ng Aking Pangalan.  Bagamat gumagamit ng Pangalan Ko ay siya namang nanaglahi sapagkat ay hindi naman gumagalang sa simbahang Aking tinatag, hindi Ko minamarapat.  Isa lamang ang simbahang Aking tinatag, ang Apostolic Catholic Church.  Ang iba’y pagpapanggap na.  Ang iba ay panlilinlang na.  Libo’t laksa ang tinatag sa Pangalan ni Hesus subalit tunay din naman na isa lang ang tinatag ni Hesus, ang One Holy Catholic Apostolic Church.  Iba diyan sa pangalan ni Hesus, nagrebelde.  Nagprotestante, at sa pagiging protestante, dumami sila at lahat.  Pero isa lamang ang pintuan patungo sa bahay ng Diyos. Yan ang pintuan sa harapan.   Bagamat kung dadaan ka sa lingkuran, sa bintana, sa bubungan…doon ka rin sa loob ng bahay…uuwi.  Pero mas maganda, kung saan talaga ang dapat na daanan, doon ka dumaan.  Pakatatandaan niyo, marami ang nauna, na nahuhuli at meron din namang nahuhuli na mauuna.  Sa Diyos, hindi Siya tumitingin sa yaman mo.  Hindi rin Siya titingin sa katalinuhan mo.  Hindi rin Siya titingin sa kapangyarihan mo o’ napag-aralan mo.  Tumitingin ang Diyos bilang pasaporte ng tao patungo sa kaligtasan at sa kalangitan,  sa Espiritu, sa puso, sa kaluluwa ng tao. Kaya bata ka pa man, Maari kang magbanal.  Kahit matanda ka, sa pagsisisi mo ng kasalanan.  Maari ka pa ring magbanal.  Kahit na ano pa man ang kapintasan mo.   Babae’t lalaki, bata’t o’ matanda.  Pantay-pantay kayo sa pagkakataon na maglingkod sa Diyos.  Sapagkat ikaw anak ang gagawa.  Ikaw ang magpapasya.  Mas minamarapat ng Diyos na sumamba ka at magpuri.  Sumunod ka’t gumawa.  Sa pamamagitan ng pagtittiwala ng iyong puso.  Hindi sa pamamagitan ng bigkas ng nguso.  Ayaw ng Diyos ang lip service, na ang pagpuri mo ay dito lang.  Nagmumula sa nguso, sa bibig at diyan din lang magwawakas.  Pagbabalatkayo yan.  Paglilinlang yan. Ibig ng Diyos dito (turo sa puso)…sa puso.  Nawiwika, nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.  Bakit hindi natutupad?  Ang pagpapalang humihing ng awa….samantalang gumagawa.  Sa katotohanan, madalas ay hindi…..ang gawa ay hindi talagang gawa.  Kundi  ngumangawa.  Sa bibig din lang, hindi sa gawa.  Ngawa lang ng ngawa.  At meron diyan, tulad ng unang kasalanan ni Lucifer bilang prinsipe ng kaliwanagan, bilang malapit sa Diyos Ama na sa pag-aakala niya sa kapangyarihang meron siya, sapagkat tinitingala siya ng kapwa niyang anghel, mapapantayan niya ang Diyos.  Maloloko niya ang Diyos.  Mahihigitan niya ang Diyos, subalit ang Diyos ay Diyos at ang lahat ng gawain ng mga nilalang lang ng Diyos ay hindi papantay sa Diyos na lumalang.  Kaya kaiingat kayo.  Kung kelan kayo pinagpapala ng Diyos, kung kelan kayo minamarapat at tinataas dapat sa sarili ninyo nagpapakababa kayo.  Sapagkat ang nagpapakababa ay itinataas at ang nagpapakataas-taas ay binababa.  Sabi nga, sa uhay ng palay, nagkakaroon ng laman ang mga butil nito.  Matututo kayo rito. Hanggat kayo ay pinagpapala, dapat nalalaman ninyo sino ang nagpapala sa inyo.  Kaya natututo kayong yumuko,  magpakababa.  Para kung dumating man ang sigwada ng pagsubok, ng hangin tulad sa palay, sumasayaw lang ito.  Hindi ito nababali.  Pero subukan mong magpakataas-taas ka.  Pilitin mong hindi mo naman kaya, pag dumating ang sigwada ng tukso, hulog ka, bali ka, sampu ng mga pagpapala sa iyo, pupulutin sa lupa.  Maari mo bang utusan ang Diyos?  Hindi.  Maari kang makipag-usap, manuyo, sumamba.  Pero hindi mo mauutusan ang Diyos.  Sa akala mo ba, sa pagpapala ng Diyos sa iyo ay hanggang doon at hanggang wakas?  Nasa iyong kataasan, na sa iyong pagbabago, sa paglaki ng ulo mo’t sa yabang mo.  Sa pakiwari mo, walang kapangyarihan ang Diyos?  Diyos ang nagtataas.  Diyos ang nagbibigay-biyaya.  Kaya Diyos din ang may karapatang magbaba at kunin ang biyaya.  Ang nakalulungkot, minsan sa isang pagkakamali, sa isang pagkakasala.  Para itong tanikala, hindi lamang isang ganyan kundi may dudugtong pa diyan, dudugtong pa parang kadena at ang daming nadadamay.  At kung minsan sa pag-aalis ng isang magsasaka, may masamang damo, sa paghugot niya, may nadadamay na mabuting damo.  Ganyan talaga sa    ?           Ang tukso laging nandidiyan para itong aninong nakasunod lagi sa tao.  Anino mo, dala mo.  Pero walang kasing-lungkot,  ang ikaw ang pagdaanan ng tukso at kasalanan ng kapwa mo.  Winiwika sa Santong Kasulatan, ang mga ganitong uri ng tao na pinanggagalingan ng kasalanan ng kanyang kapwa, ng tukso ng kanyang kapwa, mabuti pa raw dito talian ng giikang bato sa kanyang leeg at ihagis sa malalim na dagat upang hindi na pamarisan.  Ang tukso’y naririyan pero maaring pagtagumpayan natin at iyong dumadaan sa tukso….. huwag naman hatulan ng mga taong nakaligtas sa tukso bagkus ipagdasal.  Kayong nagpabaya sa tukso at nagpakasangkapan,  wala siyang kasing-kawawa dahil may talino naman siya na maari niyang uriin.  Ano ba itong nangyayari sa kanya?  Meron naman siyang laya, na maaring gawin niya ang pagsisisi, ang pananalangin, ang pagninilay.  Ang pagtawag sa awa ng Diyos para hindi siya mapailalim sa hibo at tukso ng kaaway ng Diyos.  Sayang ang pagkakataon.  Para kang isang supot, na nag-ipon ng biyaya sa pamamagitan ng gawa.  Tapos sa supot na iyan halos mapupuno na’t marami na, ikaw rin pala ang bubutas sa ilalim?  Na sa pagbutas mo dumadaloy doon ang inipon mo hanggang sa mawala.  You are all social beings in this world.  Ang bawat isa ay pananagutan sa kanyang kapwa.  Ang bawat kilos mo, gusto mo’t hindi, directly or indirectly ay nakakaapekto sa kapwa mo.  Kaya anak, kaiingat ka.  Gawin mo lang iyong tama.  Gawin mo lang iyong matuwid.  Gawin mo lang iyong dapat. Hindi ka man magsalita.  Meron at meron kang maakay sa tama, sa matuwid, sa dapat.  Subalit mabuhay ka na maangas, na akala mo na ikaw na ang siga, na ikaw ay untouchable.  Pati kapwa mo, lalayo sa iyo.  At tatanggap, at tatanggap ka ng parusa.  Ang bunga ng mabuting gawa, biyaya, grasya at bunga.  Ang bunga ng kasamaan, sakit at kamatayan.                   

    Mahal na Ingkong:  Ave Maria Purissima….

    Bayan:  Sin Pecado Con Su Vida….

    Tingnan niyo itong mga bata, tumanggap na ng pagbabanal.  Kanina lang kumikilos iyan, kanina lang nakangiti iyan.  Ngayon, nakalatag na.  Knock-out na sila. 

    Mahal na Ingkong:  Ave Maria Purissima….

    Bayan:  Sin Pecado Con Su Vida….

    May tanong ba kayo? 

    Bayan:  Wala po…

    Ako may tanong…. Gaganap ba kayo sa mga lugar ninyo? 

    Bayan:  Opo…

    Magsisimba ba kayo tuwina?

    Bayan:  Opo…

    Tandaan niyo mga anak, kung iyong katawan niyo yan,               mga katawan niyo?  Mahal niyo mga katawan, di ba?

    Bayan:  Opo…

    Mahal na Ingkong:  Kaya pagnagugutom iyan pinakakain niyo di ba?      

    Bayan:  Opo…

    Mahal na Ingkong:  Ilan beses niyo pinapakain?

    Bayan:  Tatlo…

    Mahal na Ingkong:  Tatlo.  Ano-ano ang tawag niyo dyan?

    Mahal na Ingkong kasabay ng bayan:   …..almusal, tanghalian, hapunan.   

    Mahal na Ingkong:  Eh, papano iyong pagitan niyan?  Almusal tsaka tanghalian, anong tawag diyan?

    Bayan:  Meryenda….

    Mahal na Ingkong:  Meryenda… Ilang beses kayo nagmemeryenda?

    Bayan:    Isa…

    Mahal na Ingkong:  Isa?

    Bayan:   Dalawa….

    Mahal na Ingkong:  Dalawa.  Iyong iba tatlo rin.  Meryenda, pagitan ng almusal tsaka tanghalian.  Meryenda, pagitan ng tanghalian at hapunan.  Meryenda, pagitan ng hapunan tsaka pagtulog.   Minsan, natutulog na, ngumunguya pa…may baon pang kropeck.  May baon pang matamis na mani.  May baon pang kung ano pa iyang nilalanggam.  Alam niyo ba?  What you eat, makes you what you are?  Sa tagalog,  ano mang lagi mong kinakain,  ay nagiging ikaw.  Naintindihan niyo iyon?

    Bayan:  Opo…

    Mahal na Ingkong:  Kung mahilig ka sa baboy, baboy ka ng baboy, pag minsan tingin mo sa salamin, mukha ka ng mamoy.  Kaya nga ay,  iyong kain ng kain ng mga baka, macholesterol, nagiging sakit….olesterol.  Kasi kung ano ang pinapasok mo sa katawan mo. Kaya kung maingat ka’t mahal mo ang katawan mo, iiwas ka.  Pipiliin mo ang kakainin mo, hindi ba?  Ano ang masarap,  Ano ang masustansya, Ano ang dapat.  Minsan, isinasakripisyo dapat ang sarap.  Kakain na lang ng masustansya at lahat.  Kayo ano ang masarap? Pero masama? Ano?  Ano ang masarap pero masama?

    Bayan:  Murmurs…

    Mahal na Ingkong:   Mamoy!  Maka, eh, parte na iba ng manok?  Tulad ng balat, yung mga…mga doon sa pitso-pitso….yung malapit na doon sa……ng manok.  Nandun ang taba.  Dapat kumain ng maayos at gulay at isda.  Maliwanag?

    Bayan:   Opo…

    Mahal na Ingkong:  Kayong mga may sakit, bawal ang maalat, bawal ang matamis.  Ang matamis?  Tsokalate….napakaganda at napakasarap nito.  Pero.. sa totoo lang wala itong ibinibigay na mabuti.  Connotation lang nagbibigay ng lakas, ng energy.  Pero sa totoo, pagsumobra, anyway, ano mang sobra…ay masama.  Nasan si Doktor?  Isa sa Arkangheles, nangunguna sa Arkangheles, Arkanghel Miguel ay doktor.  Marami ng doctor ng medisina, ang may tatak.  Marami rin ang mga nurses.  Sa Amerika, halos lahat ng may tatak ay nurses.  Lahat sila halos ay may magandang bahay, may mga sasakyan.  Pero, gumaganap, naglilingkod.  Ang Papang niyo, doktor din.  Pero, Doctor of Philisophy.  Isa sa mga pinakamataas o’ pinakamataas na antas ng pag-aaral na kinukuha ng isang tao.  Elemetary, highschool, tulad ng marami sa inyo, public school lang siya.  Pero sa college, nagtapos siya sa Ateneo de Manila University bilang full scholar siya, mula first year hanggang fourth year.  Nagtapos siya ng Masteral, meron siyang thesis na ginawa.  Summa Cum Laude siya.  Nagtapos siya ng Doctoral, PhD.  Meron siyang librong ginawa, dissertation.  Ang dalawang iyan, nandidiyan lahat, sa National Library.  Summa Cum Laude siya.  Tumanggap na rin siya ng mga PhD, Honorary Scausa.  Mahigit apat na raan ang kanyang mga tropeo, mga plake.  Pagkilala bilang guest speaker awardee na hanggang ngayon hindi tumitigil, subalit hindi siya tumatanggap ng anumang award pagkilala sa kanyang pagkatao na hindi, na hindi niya pabibigyan ang kanyang ina.  Kailangan ang nanay niya, ang Mamang niya ay tumatanggap din ng ganung klase ng award na ibinibigay sa kanya ng award bodies.  Sapagkat winiwika niya, hindi ako aabot sa ganitong uri ng kalagayan at kinikilala ninyo, kung hindi dahil sa Mahal kong Ina, na umaruga, nagpalaki at gumagabay sa  akin.  Sino sa inyo bilang anak, ang nakapaghandog ng ganito?  Kaya kung ang Papang ninyo ay mayroon apatnaraang higit na plake sa loob na magtatatlong taon, ganyan din karami ang pagkilala sa kanyang ina.  Sa katunayan,  itong linggo lang na ito, tatanggap na naman ang inyong Papang, Bayview Park Hotel.  Pero hindi siya makararating, sapagkat, may binyag siya at meron siyang kasal.  Isa sa mga Juan ay ikakasal.  Siya ang magkakasal.  Kaya isa sa mga kaparian, o’ Monsignor, ang tatanggap para sa kanya at para sa kanyang ina.  At sunod-sunod na naman iyan.  Ang Papang ninyo, ay may komisyon na hinahawakan.  Siya ang Commissioner ng Commission on Moral and Spiritual Development ng buong bansa.  Sa bandila ng National Social Action Council, isang trisectoral na mula sa Presidential Decree 274 na mula kay Marcos hanggang ngayon kay Gloria Macapagal Arroyo.  Board of Director siya ng National Social Action Council. Execom siya ng National Council of Churches in the Philippines at ngayon            na naman siya ng Council on Heal the Nation.  Darating ang takdang pagkakataon, sa 2010, sa kalooban Ko, ay mapupunta na siya sa Kongreso para isa siya sa konsensya doon ng sisigaw ng pagbabago.  Ang simbahan ninyo ay papalaot sa Party List.  Para hindi lamang mga komunista ang nandodoon.  Tulad ng Bayan, Bayan Muna, Mga Migranteng International, Gabriel, lahat iyan na lumalagay sa Kongreso ng kalsada, na ginagamit pati ang mga manggawa, ang mga driver, ang mga pari, ang mga pastor.  Hindi Ko minamarapat at minamabuti.  Lagi na lang sila mula ng tinanggal nila si Ferndinand na may tatak din sa akin bilang Apo Ferdinand at si Imelda Marcos bilang Florencia at ang batang ito ang siyang kasama nila sa loob ng dalawa at kalahating taon na ang buhay nila sa Hawaii, mula ng dinuhagi nila ang isang tinatakan na Presidente.  Hindi na nagkaroon ng katahimikan ang inyong bayan, ang inyong bansa.  Dapat sana’y napasimulan na ang spiritual government, divine government.  Pero hindi,  nanaig ang tao.  Namuo ang hinanakit, ang pagkasuklam, ang paghihiganti.  Ngayon, halos ilang taon na, mahigit nang dalawampung taon nakalibing itong mga taong ito na wala namang mapatunayang kasalanan nagpapatay kay Aquino, ni ayaw pang pakawalan.  Anong uri ito nagbabanal?  Na minsan umupo bilang Presidente, walang ginawa kundi hawak ang rosaryo, pero sa puso ngitngit….pagkamuhi….paghihiganti.  Sa kamatayan ba ng asawa niya, dapat ipaghirap ng bayan?  Isakripisyo ang milyong-milyong buhay?  Para lang maawa sa kanya?  May ginawa bang mabuti?  Hanggang ngayon, wala nang Presidenteng matino sa bayan ninyo.  Lahat ng mailukluk, maiboto, ginagawa ng paraan, magko-quo dito, quo doon, quo rito.  At kung halimbawa magtagumpay, o’ wala si GMA,  sinong papalit?  Saan kayo hahantong?  Who will be the most viable at mas mabuting tao?   Wala!  Ngayon palang 2010 pa ang botohan, ngayon palang pumapapel na.  Wala silang loyalty kundi sa sarili lang nila.  Kaya kayo mga tinatakan, sa sariling gawi, magdasal kayo.  Kaawaan ng Diyos ang bansa ninyo at mapilit na matapos ang pag-upo ni Gloria. Hindi sapagkat si Gloria ay banal.  Hindi sapagkat si Gloria ay natatangi.  Pero pinipilit ng babaeng ito, maituwid ang mali at makapaglingkod ng tama.  Pag nawala si Gloria, at sino mang papalit ay papatayin, at ang sino mang papalit sa pinalit, ay papatayin, saan kayo uuwi?  Civil war?  Sa hirap nga ng buhay, wala na nga kayong mapagkanlungan.  Halos mahirap, walang trabaho, walang makain.  Magsicivil war pa kayo?  Pagkadarating pa ang parusa ng kalikasan, kung saan ay binabadya na ng global warming, na bago pa ito makilala, ito ay winiwika ko na.  May mga lugar na hindi nagyeyelo, magtataglamig.  May lugar na hindi nag-iinit, mag-iinit.  Sa pagpapalit ng kinagisnan, kabihasnan, maraming mamamatay.  Kung dito sa inyo, tropical country kayo.  Ibig sabihin, mas marami ang araw, biglang mas marami ang niyebe, ang yelo.  Yung nakalagay sa dampa, yung sa mga squatters, yung sa mga slum area.  Saan kayo pupulutin?  Magpapabaon na lang kayo sa yelo at mamamatay kayo.  Ang bansa ninyo bilang tropical country, maraming puno ng bawat isang puno, ganito kalaki.  Milyon-milyon yan. Hahawak ng animnapung libong galon ng tubig at ang puno ay nasa taas ng bundok.  Pag pinutol yan makakahawak pa ng tubig?  Hindi na!  Saan pupunta ang tubig?  Sa baba, sa kapatagan kung saan ang tao’y naninirahan. Anong gagawin, lulunurin ng tubig.  Sinong gumawa nito? Tao rin!

    Yang mga naghaharing uri, makapangyarihan, may pera na maaring mang-alipin, mang-utos sa mga nakabababang tao, na nagpapaalipin naman sa salapi.  Mananagot ito sa akin, sa araw ng paghuhukom.  E ano nga kung nasa iyo ang lahat ng yaman ng mundo, pero wala naman ang kaligtasan ng kaluluwa mo.  Dito? Sa mundo? Maari kang mabuhay matagal na ang isangdaan.  Isangdaang taon.  Matagal na rin ang nobenta.  Pero wala pa kayong nalaman nabuhay na mahigit na one hundred fifty, one hundred sixty.  Sa kabila, sa

    Expertise sa technology

    Maaring magdugtong kayo ng ilang taon lang pero hindi habang panahon.  Samantalang sa panahon ng mga Patriarka noon, nina Moises, nina Abraham, nina Isaac, nina Jacob, nina Matuselah, limandaang taon, anim na raan, pitong daan nakatayo pa rin.  Matitikas, maganda ang tindig dahil may Diyos na sa lahat ng pagkakataon ay natatawagan, nasasamba.  Walang modernong bagay.  Ang pagkain pulot. Pagkain, iyong tinapay na walang libadura.  Ang gamot iyong mga herbal, mga damo-damo.  Payapang buhay.  Pastulan, dadalhin ang mga tupa, mga kambing, mga alaga, sa gabi ay uuwi. Kung di magbabantay doon, mangingisda, manananim.  Kayo ngayon?  OFW, Japayuki.  Ano pa?  macho dancer…..scammers.,  Kayo kung saan, sa palakpak ng kamay, bumubukas ang ilaw.  Sa isang pindot, napapatay ang tv.  Lahat, instant kaya pati buhay niyo, instant.  Limampung taon, yumuyuko na kayo.  Sesenta, setenta, otsenta, amoy na kayo ng pinanggalingan niyo.  Yung daw mga baby, ano amoy?  Lotion.   Kaya may baby lotion.  Yung mga dalagita, binatilyo, ano ang amoy?  Cologne.  E ang daming cologne.  Medyo dalaga at binata na.  Nagliligawan na.  Pabango? Perfume.  Sangkatutak din ang perfume.  Nag-asawa, nagka-anak. 
    Sa hirap ng buhay at lahat.  Ano amoy?  Bengay, luyang dilaw, alkampor, healing oil.  Paglagpas pa diyan.  Ano na ang amoy?  Formalin.  Pantay na iyong paa.  Kita niyo?  Iyan lamang ba ang katuturang mabuhay?  Tapos, konti na lang ang panahong buhay, malayo pa sa Diyos.  Ni hindi pa kilala ang Diyos.  Kung baga sa pag-aaral, andoon, prep pa lang siya, daycare, grade one, elementary lang.  Sayang ang buhay.  Kung baga sa Philippine Airlines,  sayang ang miles.  Kaya kayo nakaabot na sa biyayang ito, higit kayong magpakadalubhasa sa pagbabanal.  Higit kayong gumanap.  Higit kayong maglingkod.  Hindi kayo mabubuhay habampanahon  sa mundong ito lalo na rin sa nangyayari sa kapaligiran.  Pero kung nasa inyo ang Diyos, maging mahaba’t maikli man ang buhay niyo, maligaya kayo.  Paghimbing ninyo, tulad ng ilan diyan.  Pagpantay na ang paa, pag ganyan.  Sasabihin ng mga nakakita sa inyo, parang natutulog lang.  E, malayo sa Diyos, dumanas ng hirap at lahat, kung namatay, dilat ang mata.  Kasi walang pagpapala.  Lalagyan pa ng isampera para ipikit ang mata.                       

    Mahal na Ingkong:  Ave Maria Purissima….

    Bayan:  Sin Pecado Con Su Vida….      

    Mahal na Ingkong:  Gisingin na ang mga patay…gisingin na iyong mga natutulog. 

    Mahal na Ingkong:  Ave Maria Purissima….

    Bayan:  Sin Pecado Con Su Vida….      

    Mahal na Ingkong:  Pag kinunan kayo ng litrato, bagong gising kayo, ang papangit niyo.

    Mahal na Ingkong:  Mga magmamananita?....

    Bayan:  May mananita po….

    Mahal na Ingkong:  O, sige, tayo na ang lahat, habang ginigising, awitan ng happy birthday.  Tapos, may pagmamananitahan.  Tandaan niyo kayong mga bagong tinatakan, pasalamatan niyo ang mga nanggapas at nagdala sa inyo dito dahil itong biyaya niyo, hindi niyo ito mabibili at mababayaran.   

     

     

     

    February 01, 2008 – After dulugan

     

     

    Ito ang huling tatakan at minamarapat Ko naman ang yung ginawa niyong pagsama-sama at naabot niyo ang handog-bilang ninyo.  Dapat diyan ay 150 lang pero may 165, 166.  

     

    Interruption:  female voice

     

    Hindi natuloy ang ang Cursillo noong nakaraan dahil kulang ng bilang, itutuloy sa Pebrero 24.  Sa araw na iyan dapat hindi na kayo magkulang sa bilang. Totoo, meron kayong mga retreat.  Bawat Biyernes at Sabado, kapalit ng tatakan.  May tatak at walang tatak maari niyong ipasok.  Ang ibang mayayaman, pumupunta pa kung saan-saan.  Sa Britanya, sa Tagaytay, sa Baguio, pumapasok sa iba-ibang kongresasyon para lang magretreat pero magbabayad ng napakalaki na halaga.  Pero ito meron man kayong bayad, minimum lang.  Pero madadama naman na ninyo ang pangangalaga, ang pagtuturo ng mga kagawad ng mga Apostolic Catholic Church ng simbahan niyo.  Huwag ninyong papabayaan na sa loob ng apatnapung araw, kuwaresma ay hindi kayo makapagretreat.  Magretreat kayo mga anak.  Iba nga diyan, ginagawa ring parang panata. May sunod-sunod na halos anim hanggang pito na retreat nandidiyan.  Aanim na rehiyon ay napiling, pagsasamasamahin ang iba, dito gagawin ang retreat.  Maliwanag ba?  Kaya iyong……ah…cursillo panglalaki, 24, araw ng Linggo hanggang Martes.  Matutuloy iyan at pinapayagan ko.  Sama-sama kayo diyan, huwag niyong muling mangyari ang dating nangyari na kinulang kayo sa bilang dahil kulang sa info dessimination.  Kulang sa pagpapalakad at pagpapahayag na meron ng ganung klase na nangyayari.  Ngayon, magpapaalam na Ako.  Magpapahinga lang sandali ang Papang niyo.  Pasisimulan ninyo ang inyong General Assembly.  Wala munang misa, pagkatapos na lang ng asembliya, saka kayo babasbasan ng mga pari, para sa ganun o’ kinakailangang gumanap muli ang inyong Ingkong para sa mga hinirang na itinatag na bagong opisyales.  Gaganap uli ako sa Papang niyo para bendisyunan kayo. 

    Mahal na Ingkong:  Ave Maria Purissima…   

    Bayan:  Sin Pecado Con Su Vida

    Maari na kayong lumuhod, pagkatapos na ako ay magpaalam.  Mag-almusal na muna kayo.

     

    Long pause… 

     

    Bukas eh…..sa….. CMHT, sa Sacrifice Valley.  Kung saan ang Papang niyo ay Dean noong college na iyon.  May klase ngayong Sabado ay pinupostpone, pinacancel muna ng ingyong Papang para sana iyong mga estudyante sa kolehiyo doon ay makababa, sampu ng mga guro ay bababa kasi General Assembly.  Kaya ang Punong Guro na si Fr. Carmelito, nandito nga.  Siya sana ang magtuturo ngayon.  Pero hindi na siya doon dumating, postpone pa rin ang klase. 

    Maari na kayong lumuhod magpapaalam na Ako. 

    Mahal na Ingkong:  Sumainyo ang Panginoon…

    Bayan:  At sumainyo rin.

    Mahal na Ingkong:  Pagpalain kayo ng Aking Panginoon, si Yahweh, si Hesus at ng inyong Mahal na Ingkong. 

     

     

    Mahal Ko kayo hindi ko kayo iiwan at sa Aking pag-alis.  Alalaumbaga ang Aking Espiritu ay nakatunghay sa bawat isa sa inyo.  Mamarapatin ko at pagpapalain ang lahat ng mga gawain niyo, na mabubuti’t magaganda at banal.  Subalit nakikita ko rin ang mga pagsaway.  Ang mga pagmamalabis, pagkukulang at pagkakasala.  Sa lahat ng kabutihan, Aking pagpapalain.  Tandaan ninyo, hindi Ko rin winiwika, hindi Ko rin gusto.   Subalit sapagkat nakatala at nangyari na.  Ang kabayaran sa kasalanan, sakit at kamatayan.  Huwag nawa kayong magsuko sa pang-araw niyong buhay.  Mabuhay kayo sa tama, sa liglig at dapat.  Huwag ninyong pakakainin ang mga mahal niyo sa buhay,  iyang sarili niyo ng galing sa kasamaan.  Huwag niyong bibigyan katwiran ang kasalanan at ang mabuti….huwag niyong pasasamain.  Mabuhay kayong nananampalataya.  Sumunod kayo sa aking ibig.  Sumunod kayo sa Aking gusto.  Sa Aking batas.  At pagpapalain Ko kayo.  May tungkulin ang Diyos sa inyo.  Nilalang kayo sa mundo, bibigyan kayo ng pamamaraan na mabuhay ng maayos sa mundo.  Subalit may tungkulin din kayo, sa mga pagpapalang ipinagkakaloob Ko.  Ipakita niyong katiwa-tiwala kayo at karapat-dapat kayong tumanggap.  Sa isangdaang porsiyentong ibibigay ko sa inyo.  Ibalik niyo sa Akin ang isang bahagdan.  Ikapu, ibigay niyo.  At sa ikapu na iyan, ay papalitan Ko muli ng isangdaang daan na bahagdan.  Huwag niyo lamang…..hindi kayo magtitiwala, hindi ko kayo pagtitiwalaan.  Susi ito ng magalimbot at magandang buhay, ng kasaganahang buhay.  Huwag na huwag niyong pagdadamutan, ang inyong sarili sa pamamagitan ng hindi pagsunod.  Iyong mga walang hanapbuhay, meron naman kayo diyan na tinatawag na foster parents.  Alam niyo kung magkano ang dapat niyong ibigay.  Kung wala naman talaga’t mga bata, nandidiyan din ang cheerful giving.  Na kahit na may tithes ka na, kung gusto niyo pa uling magdagdagan, pweden kang magcheerful giving at minamarapat Ko ito.  At dahil dito, wala kayong problema, pinansyal at iba pang bagay, ni hindi niyo madadala dahil pagpapalain Ko kayo.  Tanggapin niyo muna ang Aking pagpapala, buhat sa Ama, Anak at Espiritu Santo.  Amen.  Ilahad  ninyo ang inyong mga kamay.  Kamay ninyo ang init ng Aking biyaya.  Hangarin niyo matanggap niyo ito. 

    [Mahal Ingkong speaks in Latin]

     

    Mahal na Ingkong:  Alleluia….

    Bayan:  Alleluia

    Mahal na Ingkong:  Alleluia….

    Bayan:  Alleluia

    Mahal na Ingkong:  Alleluia….

    Bayan:  Alleluia

    Mahal na Ingkong:  Alleluia….

    Bayan:  Alleluia

    [a female chants…]

    Commentator:

    Pater Noster, qui es in caelis, Sanctificetur nomen tuum. Adveniat regnum tuum. Fiat voluntas tua, sicut in caelo et in terra. Panem nostrum quotidianum da nobis hodie, et dimitte nobis debita nostra sicut et nos dimittimus debitoribus nostris. Et ne nos inducas in tentationem, sed libera nos a malo. Amen.

    [Commentator] Ave Maria Purissima! [People answer] Sin Picado Con Su Vida [Commentator] Ave Maria Purissima! [People answer] Sin Picado Con Su Vida [Commentator] Ave Maria Purissima! [People answer] Sin Picado Con Su Vida [Commentator] Alleluia! [People] Alleluia! [Commentator] Alleluia! [People] Alleluia! [Commentator] Alleluia! [People] Alleluia! [Commentator make the Sign of the Cross] In nomine Patris, et Filii, et Spiritus Sancti. Amen.

    Commentator: Happy birthday po sa lahat ng mga basbasan at sa lahat ng mga nagdiriwang ng kanilang mga kaarawan.

    Choir sings:  Happy birthday….

     

    END.

     

     
     
    Bank Account Details
    Join ACC_Canada's Yahoo Group Parakleto Online
     
     
    Verse of The Day
    “But the wisdom that comes from heaven is first of all pure; then peace-loving, considerate, submissive, full of mercy and good fruit, impartial and sincere. Peacemakers who sow in peace reap a harvest of righteousness.” (James 3:17-18)
    What's New
    Forum Activities
    Useful Sites