|
This was recorded last May 20, 2006 during the 'ganapan' of our Beloved Ingkong at EDSA. To listen to the recordings, you must first download and install Nokia Multimedia Player.
Audio Files:
For more information about the recordings and to see more of the recordings, click the MESSAGES section on the top menu.
2006-05-20 MESSAGE OF BELOVED INGKONG AT EDSA
Transcribed by: Apo Angelo De Alexandria (Benjamin Cayabyab)
(Disclaimer: The publisher did not verify the accuracy of the transcribed contents)
Record000
Ingkong: Gloria in Excelsis Deo,
People: Alleluia
Ingkong: Gloria in Excelsis Deo,
People: Alleluia
Ingkong: Gloria in Excelsis Deo,
People: Alleluia
Ingkong: Mapapalad mga Anak sa piling ng Espiritu Santo. Muli narito ako sa Batang una kong kinasasangkapan, ginamit upang mapasimulan ko ang aking mission. Ikatlong pakikitungo, pakikipagugnayan ng Diyos sa tao. At bilang Espiritu Santo, narito sa laman bagamat malambot kinakailangan gumamit ng tao. Ang batang ito ang napiling dapat simulan upang masumpungan ko ang aking tunay at banal na luklukan. Nagiisang luklukan. Kaya wala ako sa iba pa nagpapanggap na nandoroon at gumaganap sa kanila laluna kay Maria Lilibeth na tinatakan ko lang noon bilang Apo Nathaline, ngayon namamayagpag kasama ang ilang mga Arkangeles na wala ng pakpak. Winiwika ko sa inyo “Pakatalinotalino kayo tulad ng mga Serpent subalit magpakababa kayo tulad ng mga Propeta. Nariryan naglipana ang tukso. Naglipana ang ibat ibang pamamaraan ng kaaway ng Diyos upang lituin ang pananampalataya ng tao. Tulad ni mayumi sa pilikulang nandiryan. Narian ang inyong simbahan at sinabihan ko na kayo noon na huwag kayong manonood at walang idudulot itong kabutihan nandoon pa rin kayo. Yong iba first showing palang nandodoon na. Talagang mga pasaway. Anong mapapala ninyo. Winiwika ng gumawa nito, ito’y fictitious. Ang ibig sabihin, hindi katutuhanan, likhang isip lang ito. Anong ikagaganda kung ito’y likhang isip subalit nababatay sa tunay na pananampalataya ng maraming Kristiano, hindi lamang Katoliko. Anong mapapala, anong makukuha kundi paglabag. Ah ganon pala, si Kristo pala may girlfriend si Maria Magdalen at may anak pa siya. Pagkatatandaan ninyo, anong taon ngayon. 2006. Samantalang noon pa man nabuhay si Kristo at sa ulti ikrit namatay siya. Marami na mga Congregasyon. Marami ng iba ibang mga samahan ng mga magkarelasye at magkakabaehan. Nanirahan nagsamasama bumuo ng ibat ibang mga order of Congregasyon. Nagtayo ng kanikanilang simbahan base sa katotohanan na si Kristo ay banal na tao.
Record001
Subalit sa kanyang pagiging Diyos at pagiging Tao. Inako niya ang lahat bukod lamang sa kasalanan at nabuhay siya sa paglilingkod sa tao. Walang asawa, binata, banal. Pagkayari sa pilikulang yan “The Vinci Code” nagkaroon pa raw ng maraming anak. Papano na ang mga buhay na inialay ng mga kababaehan at kalalakehan noong una pa man. Hindi pagkakasala pagkakaroon ng asawa, lalo nat ang asawa ay tunay na asawa at mayron basbas sa pamamagitan ng sacramento ng Kasal. Ang pagpapakasal bilang isang sacramento tinayo ni Kristo ay tulad din ng Orden. Subalit kung ito ay mababatay sa paninira sa mga tunay na pahayag at katutuhanan noon pa. Nagkaroon ng kaaway na reliyon ang Kristianismo, nandyan ang mga Muslim at Islam. Mayron bang binanggit na ganyan? O mismo ang mga hudyo kung saan nandodoon ipinanganak narian ang inyong Panginoong Hesu Kristo, mayron bang binanggit yon? [Ingkong speak in Latin] Kahit papano si Kristo ay hindi nila tinanggap bilang tagapagligtas [Ingkong speak in Latin]. Tungkol sa pagaasawa at pagkakaroon nang kalaguyo ni Kristo. Pagkayari matapos ang isang sensational na pangyayari na kung saan ang Propeta naman ng Islam na iba kundi si Mohammad. Ginawa nilang kartoon na ang turban niya ay ginawang time bomb. Nag react ang mga Islam. Nagkaroon ng patayan, nagkaroon ng kaguluhan sa buong mundo. Samantalang si Muhammad ay kinukonsider na kanilang Panginoon o Diyos, kundi isang Propeta na ginagalang nila. Pagkatapos kayong mga Kristyano na kung saan si Kristo’y tunay nyong Diyos. Nalalaman nyo sa inyong pananampalataya nag alay ng kanyang buhay, kung kaya nagbalik loob ang mga tao sa piling ng Ama. Upang sa ganon ay dumaloy ang biyaya nagpapabanal. Diyos yon Panginoon nyo. Pagkayari yan siya isang tunay na
Record002
Gabay ng mga bansa sa Asia napapalabas. Winiwika ko nagkakasala ang tao na manunuod nyan. Kaya kayo na nakakarinig pa at nakakatanggap pa ng aking mga salita. Huwag niyo kahit kailan panonoorin yan. Ipagkakasala ninyo at yan ay kasalanan laban sa Espiritu Santo. Ipinaliwanag ko na ilan beses kung paano kayo nagkakasala laban sa Espiritu Santo. Winiwika ng Santong Kasulatan “Magkasala ka sa Ama, maari ka pang patawarin. Magkasala ka sa Anak, maari ka pa rin humingi ng patawad. Subalit kapag magkasala ka sa Espiritu Santo, sa oras na yan hanggang kabilang buhay tatanggapin mo ang kaparusahan. Yan ay isang pagkakasala laban sa Espiritu Santo, huwag niyong hayaan na subukin nyo ang Diyos. Malalagay kayo sa kalungkutan. Walang maaring magpatawad sa inyo. Hindi ako nagwika nyan kundi ang Banal na Kasulatan. Ang inyong Panginoong Hesu Kristo. Maglilingkod Ako.
Record003
Maari nyo nang imulat ang inyong mga mata, tumingin kayo sa akin at makinig. Kayong lahat na aking binasbasan. Inugasan ng tubig ng buhay, ano bang baga ay tunay na hindi na pangkaraniwang tao. Mapalad kayo, sapagkat tinanggap nyo ang aking pagpapala’t biyaya. Sa aking paguugas sa inyo, inugasan ko kayo sa inyong mga kasalanan. Ano bang baga, kinuha ko ang lahat ng inyong mga kasalanan, maliit man o malaki. Ang kahalintulad nyo ngayon ay mga bagong silang na sanggol. Wala kayong bahid dungis kasalanan. Ano man at sino man sa inyo ang mamatay o kunin mamaya ng Ama, deretso kayo halos sa langit, sapagkat napatawad kayo. Kundi man nandoon kayo sa Purgatoryo, upang manatili at maglinis lamang doon pero sa langit pa rin ang inyong kahahantungan. Ang hindi ko inalis sa inyo mga anak ay ang inyong mga karapatan o kalayaan. Kalayaan na minana nyo pa ng mulat mula noong kayo’y isilang. Nilalang ng Diyos ayon sa kanyang wangis at anyo. Dalawang uri ng kakanyanan o kapangyarihan mayron kayo. Ang Faculty of Intelligence in a one heart and one soul and then the Faculty of Free Will. Kalayaan. Na gawin ninyo ano mang bagay ayon sa gusto ninyo. Kaya bagamat natatakan kayo o dumating ang pagkakataon nagsawa kayo at naisin manumbalik sa buhay makasalanan. Maaari nyong gawin yan. Pero huwag nawa kayong datnan na tinatawag na kamatayan na kayo’y nasa estado ng pagkakasala. Winiwika ng Santong Kasulatan “Magmatyag kayo’t magbantay, Maghintay at Maghanda sapagkat ang magnanakaw ay dumarating sa oras ng gabi o oras na hindi ninyo inaasahan”, Gaya ng pagdating ni kamatayan. Na ang uri ng kahatulan ng isang pangkalahalatan. Kung saan lahat ng tao buhay at patay ay haharap sa Korte ng Diyos at individual na kahatulan sa tawag ng kamatayan. Walang pinipiling edad, walang pinipiling lugar, walang pinipiling estado. Pero kailan tao, dapat laging naka handa. Sa inyong pagkaroon ng tatak ayaw ni satanas na kaaway ng Diyos na magbantay kayo. Gagawa at gagawa ito ng pamamaraan at pagkakataon na bigyan kayo ng tukso. Mayron na kayong tatak, banal na Espiritu mula sa langit. Na kayo ang mga luklukan at mayron pa kayong Ingkong. Ano ang dapat nyong ikatakot. Kung ang lahat ng gabi at Diyos na nasa langit ay nag
Record004
Sara nyong pintuan upang tignan sino ang mga taong tunay na nagbabanal. Binibigyan karagdagan, pagpapala’t biyaya ng mga taong ito. Gayundin nangangahulugan na lagging alas dose lamang ang inyong pagbabantay. Ang mahalaga, sa hating gabi bago kayo humimlay, bago kayo matulog mayron kayong pagkakataong magninilay, magsusulit, nananalangin. Humihingi ng ano mang kapatawaran sa lahat ng inyong nagawang mga pagkukulang. Humihingi ng pagpapala, nagpapasalamat sa mga biyaya’t grasiang na tinatanggap ninyo at kung mayron pa kayong hinihiling, hingin ninyo sa Diyos. Samahan ninyo ng pag ooffer ng ano man – panalangin, oras, gawain, kabanalan, paglilingkod. Mahal kayo ng Diyos. Pinakamamahal kayo. Kagampan ng Espiritu Santo saan man kayo magtungo. Sa Europa man, sa pitong kontinente. Hindi nyo ako matatagpuan sa gagampanan kong ito. Kundi doon lamang sa lugar na ninanais ko. Walang iba nga kundi dito sa inyong bansang Pilipinas. Sapagkat kayo ang tinatawag na Bagong Herusalem. Nasa lahi nyong lahat ang pagpapala at sa inyo ang pagsisimulan nang bagong langit at bagong lupa. Kayo ang magiging tapat hanggang wakas. Pagkakatandaan ninyo, mahalaga sa Diyos at dapat din alalahanin ng tao. Mahalaga sa inyo ang oras kung kailan kayo kukunin ng inyong Panginoon. Ano ng ba ang estado ninyo? Ang inyong kaluluwa. Sapagkat marami nag banal. Bandang huli nagsawa, nagpakasama dumating ang kamatayan. Saan siya tutungo. Sa dagat dagatang apoy sa empierno. Mayron naman nagging makasalanan, nakalimot subalit nakatagpo ng pagkakataon na magbalik loob. Hindi na humiwalay sa Diyos. At nong dumating sa kanya ang kamatayan. Saan kaya siya pupunta? Kung hindi man deretso sa langit, sa purgatoryo. Sa paglilinis at pagpupurga. Sa paghihintay nilang pagkakataon para ang kanyang kaluluwa ay maging karapatdapat patungo sa langit. Sinong tutulong sa mga kaluluwa sa Purgatoryo? Walang iba kung hindi kayong mga taong nandirito. Kaya mga magulang ninyo, mga ninuno ninyo o sinu pa man kaibigan ninyo alam nyong yumao na. Na
Record005
Sapagkat may ganti rin itong gagawin sa inyo. At sandali makatulong kayo sa mga kaluluwa sa Purgatoryo. Na sila’y nagtungo na sa langit, nagging nandodoon sila sa piling ng Ama sa langit. Sila naman ang tutulong sa inyo sa lupa. Kaya kung minsan nararanasan ng iba. Tatawid na lang siya ng kalsada, ng kalye, biglang may pipigil sa kanya. Unang kakbang pala siya kahit isa lamang hakbang doon sa kalsada mahagit pala siya na rumaragasang sasakyan. May nagsasabi, mga anghel daw nyo yan. Pero mayron din katutuhanan na mga natulungan mo lang kaluluwa yan. Iisa lamang ang Katawan Mystiko ni Kristo, tulad na isa lamang katawan Mystiko ko bilang inyong Ingkong. Pero tatlong parti ang Iglesia ang Simbahan na bumubuo rito. Iglesia Militante, kayo nakikipagbaka pa, nakikipagaway, nakikipagtunggali dito sa mundo sa kasamaan. Nandito ang Militante na Iglesia. Pag namatay kayo pupunta ang kaluluwa sa Iglesia Purgante - nagpupurga, naglilinis. Sapagkat hindi kayo nagging karapatdapat kaagad pumunta doon sa Iglesia Triumphante. Ibig sabihin nagtagumpay na Iglesia. Mga banal na ang tumutulong sa Iglesia Purgante ay kayong nandito sa lupa. Wala na silang magagawa ano pa man. Pero sandali nandito kayo sa lupa pa. Kayo ang pinakapangyarihan nilalang ng Diyos. Sa unang Kristo ipako sa Krus mamatay magpasan ng Krus. Kung aayaw kayo kay Kristo, walang magagawa si Kristo. Isang daan man satanas, diablo na maghikayat sa inyo sa kasamaan, sa droga, sa alak, sa sigarillo, sa pangangalunya, sa pagnanakaw, sa pagpatay ng tao. Umaayaw kayo. Walang magagawa san libo man dimonyo ang maghikayat sa inyo. Sapagkat hanggat ang paa ninyo nakatungtung sa lupa. Kayo ang mayron kapangyarihan. At sandaling mamatay kayo, hindi man kayo mapunta sa empierno o sa langit, doon kayo pupunta sa Purgatoryo. Na wala naman kayong magagawa kung hindi ang umasa kayo, ipanalangin kayo ng mga tao sa lupa na marahil nagging bahagi ng buhay nyo na tulungan
Record006
subalit nakakaalala, nagmamahal sa inyo. Pag nandoon na sa langit, sa Iglesia Triumphante, makagagawa na humiling sa Ama, sa Diyos na mga bagay bagay para sa mga mahal nila sa buhay dito sa lupa. Yan ang sirkulo, cycle ng Iglesia na Katawan Mystiko ni Kristo at yan din ang sa akin. Kaya mapalad kayo kahit narito kayo sa lupa, lalo na kayong binasbasan, tinatakan. Saan man kayo magtungo mula doon hanggang kagampanan ko. Dala ninyo ang aking biyaya, huwag lamang kayo magkakasala ng malaki o kung magkaroon man kayo ng ganyan kahinaan mangumpisal lang kayo’t ibablik sa inyo ang biyaya. Ang huwag na huwag ninyo gagawin ay ang hahatol kayo. Magiwan kayo ng salita, magisip kayo ng masama laban sa akin bilang inyong Ingkong, sampu na mga ginagamit ko laban sa inyong Mamang at laban sa inyong Papang. Pagkakatandaan ninyo walang hihigit na nakakaalam sa gagampanan nino man kundi ang Diyos. At ako bilang Espiritu Santo, ikatlong Persona ng Santisima Trinidad wala naman na ako ito, gumagamit ako ng tao. Tandaan ninyo mahigit kayo limang milyon, naway dahil sa batang ito. Napasimulan ko ba ang mission? Isang taon at kalahati bago tinanggap ng inyong Mamang ang aking gagampan. [Ingkong is crying] Kung ganon man di sana nandito ako sa Batang ito. Siya rin ang naghanda ng daan. Sya rin ang naghanda ng pagkakataon sa pamamagitan nya natagpuan ko ang kakasangkapanin ko bilang luklukan. Kaya siya man tinatakan ko Juan Bautista sapagkat si Juan Bautista sa panahon ni Kristo siya ang naghanda ng daan. Magkadugo sila ni Kristo ganon din ang Papang ninyo sa inyong Mama. Ang kaarawan ng inyong Papang ay pareho ng kaarawan ni Juan Bautista – June 24 at nalalapit na yan. At nais ko na bigyan nyo ng importansya at pagpapahalaga ang kaarawan ng dalawang nilalang na ito. At winiwika ko sa inyong lahat si Juan Bautista at inyong Papang ay iisa. Kaya kung dumating ang pagkakataon magkaroon kayo ng rebulto at pangitain, yan tatlo ay iisa. Minamarapat ko yon at pinahahalagahan.
Record007
Kayong lahat na nandirito’t tinatakan na lalo kayong may mga potential, may mga karangalan at kapangyarihan sa iba’t ibang antas na gagampanin. Lagi nyong pangingindapatin ang sarili ninyo. Huwag na huwag nyo ako ipagpapalit sa ano mang bagay. Sapagkat winiwika “Unahin nyo muna ang sa Diyos, kapag nasa iyo na ang Diyos. Lahat ng pangangailangan, hindi mo man naisin hilingin sa Diyos, kung karapat dapat para sa iyo ay ipagkakaloob sa iyo. Maaari kayong magsiupo mga Anak. Kaya mapalad kayo, Kaya’t lagi nyo sana ipapanalangin ang kagampananin, ang kalusugan, sampu ng kaligtasan ng inyong Papang. Sapagkat sa sandaling, wala na siya’t sumama na siya sa piling ng kanyang Ina sa langit. Wala nang Tatakan, wala nang Basbasan. Matatagpuan na lang ng lahat na tinatakan at walang tatak.ang aking pagpapala. Tulad sa panahon ni Kristo na siya ay pumanik na sa langit. Ang lahat ng biyaya ay tinanggap ng tao sa pamamagitan ng Sacremento ng Simbahan. Kaya kinakailangan, maraming mga pari sa Simbahan. Ang Simbahan Apostolic Catholic Church. Pero winiwika ko pinatotohanan ko pagdating ng panahon lahat halos ng pananampalataya mawawala sa mundo. Mananatiling matatag at nagtatagumpay ang aking Simbahan. Sapagkat kung papano si Kristo, isa lamang ang tinatag nyang Simbahan. Pinatutunayan ko sa inyo. Isa lamang ang tinatag kong Simbahan ang Apostolic Catholic Church na symbolo na ito ay dalawang krus na kung saan nagtutungo lamang sa isang Simbahan ang One Holy Catholic Apostolic Church. Nagtataka kayo, kung bakit may simbahan ng Diyos Espiritu Santo, bakit hindi nyo pagtakhan bakit may Simbahan ang Diyos Anak. Samantalang may Simbahan ang Diyos Ama. Ang reliyon Hudaismo, ang paniniwala ng Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac at Diyos ni Jacob. Mula’t naisin paniniwala sa iisang Diyos. Bakit kinakailangan pang magkaroon pa ng Simbahan ang Anak, ang Kristo. Bakit kinakaikailangan pang magkaroon ng isang Manunubos. Bakit kinakaikailangan pang magkaroon ng Espiritu Santo. Iisang Diyos, Tatlong Persona
Record008
Tatlong pagkakataon tatlong panahon, at yan ang banal na Aklan ng Ama sa langit. Walang sinuman makakasansala o makapipigil sa bagay na yan. Sa araw ng linggo maari nyong mapanood sa channel 2 ang inyong Papang sa Rated K, kay Korina Sanches. Karangalan ng Simbahan yan ! Pero at least bulag din sa iba. Ipalalabas na naman ang mga sapatos na Michael Jordan ng Papang nyo. Ang dami na naman. Huwag kayong gumaganyan, pinagpapapangit ng mukha. Alam mo bakit? Ay ano kung Jordan shoes, bakit ikaw ba ang bumili nyan? Nagbigay ka ng pera para bilin yan ni Papang? Yan lamang nagpapatunay na ang inyong Papang, ay isang kulturadong tao, civilisado, matured. Lahat ng tao ay may kahiligan. Ang iba sa inyo. Ibig nyang sapatos. Kung hanggang saan pweding bumili, bumibili. Ilan sa inyo mayron labing dalawang sapatos? Labing dalawang pares o higit pa? Ang lahi ng Pilipino hindi naman pinamimigay ang sapatos sapagkat may discrittisyon. Pag binigay mong sapatos, aapakan ka lang sa ulo ng pinagbigyan mo. Bakit mo ibibigay? Ay di ibato mo. Tulad ni Imelda Marcos, dahil ang Pilipinas ay centro ng pagawaan ng magagandang sapatos. Sa Marikina. Yong mga floor shine na mga sapatos sa Italia, kapkapin mo sa bandang loob, makita mo made in Marikina. Sapagkat mahuhusay gumawa ang mga Pilipino. O bakit nagkaroon si Imelda Marcos ng libu libung sapatos? Sapagkat 20 taon naman sila umupo ng kanyang asawa. At ano mang kompanya factory ng sapatos, kung magbibigay man ito para epromote ni Imelda. Magbibigay ka ba ng isa lang. Pinaka kaunti dyan isang dosena. Binili ba? Hindi. Ibinigay, ipinagkawanggawa. Bakit ganon? Kasi si Imelda, pag nagsalita “gagamitin ko yan” at gagamitin.
Record009
Papang naman nyo, nangungulekta. Hindi naman ginagamit. Binabalot ng plastic para ma preserve. Palibhasa mahaba pa ang panahon at kung mamatay ang Papang ninyo. Huwag nyo ilalagay yan sa kabaong. Iiwan yan sa luzwelo o sa museium o ano pa man para pakinabangan ng Simbahan pagdating ng panahon. Para pakinabangan nyo. Pag nagtaggutom pwedi nang kainin. Ang presyo nyan, ngayon palang mahal na. Pagdating ng panahon mas higit na mahal. Tignan nyo ang mga painting ni Pikaso, na parang mga painting, parang painting lang ng grade one. Nang tumagal ang panahon, ngayon pag inooption, milyones, daang libong dolyar. Ay lalo pa yan. Papano yan pagdating ng panahon? At hindi lang naman yan ang collection ng inyong Papang. Ginagaya nya si Imelda Marcos unconsciously. Hindi naman nya intention pero yon ang pumasok sa isip nya. Na si Imelda Marcos ay nanay nanayan ng inyong Papang. Ang Papang ninyo nagibig kay Marcos doon sa Hawaii. Dalawa’t kalahating taon nag pa missa ito sa Hawaii sa Waikiki Hieghts. Ang Papang ninyo ang confidante. Ang Papang ninyo Pari nila. Ang Papang ninyo ang private sa buhay nila. Noon narinig ng Papang ninyo kay Imelda. Kung bakit kahit marami siyang bansag o pula o pintas na naririnig sa mga kalaban nila sa politika. Hindi niya pinapansin. Winiwika na si Imelda raw ay hindi lang MLBP kundi siya rin daw ay nandodoon sa extravagance. Extravagante. Sapagkat maraming mga bagaybagay na pagaari nya. Anong katwiran ni Imelda? Kung bakit ang isang painting na napakaganda at napakamahal ay binili nya sa isang collector, dinala sa museium sa Pilipinas. Dahil alam nya na hindi lahat ng Pilipino maaring pumunta sa bansang yon. Para makita ang work of art na yan ang stetic beauty niya. At yan nga ang purihin ang Diyos. Ay walang pamasahe, wala rin visa. So hindi makapunta roon ang tao, siya ang magdadala ng bagay na yan dito sa Pilipinas na sa kaunting halaga
Record010
maaring makita. Sino sa inyo ang nagpupunta sa mga museium? Gawin nyong pamamaraan yan bago pa man kayo mamatay. Pero sino sa inyo ang hindi pa nakapunta sa mall? Anong nakita nyo sa mall? Wala. Tukso sa mata, kamut sa bulsa. Yan window shopping. Kung makabili man, mga ilan buwan at taon lang sira na rin. Pero yong mga lifetime na mga legacy ng ibat ibang tao.ng ibat ibang grupo ng ibat ibang bansa, kayamanan ng inyong bayan ng inyong lahat. Puntahan ninyo. Yong mga painting nila Amorsolo. Mayron dyan kahit na yong sa grupo ng mga artista. Dyan lang sa bandang cubao. Anong pangalan non. Mowel Fund. Sa kaunting halaga mapapasyal nyo ang mga anak nyo don. Nandodoon si The King, si Erap, the dancing Salonga. Kahit papano nagging bahagi ito ng mga ninono ninyo. Yong mga ginamit nila darna, nila gagamba boy, nila aswang, mga multo. Nandodoon naka preserve. Minsan ito nag eintertain sa mga ninono ninyo. Na Itong pinagmulan ng pelikula at lahat. Masama ba yon? Hindi. Ikapagkakasala nyo ba yon? Hindi. Marami kayong mapupuntahan. Sa biyaya ng Diyos supportahan ninyo. Napakayaman sa lahat ng bagay. Sa isang lata, maglagay ka ng isang dakot na lupa. Lagyan mo ng isang buto diligan mo lang may tumutubo. May buhay na lalabas. Yon nga lang na hindi ka maligo eh. Nagbabanyo ka dyan, ginawa na at lahat. Di ba alam may buhay dyan. Tumutubo yong mga parasite.
Record011
Ganyan kayo kayaman. Tapos sasabihin naghihirap kami. Naghihirap kayo kasi tamad kayo. Wala kayong ginagawa kundi sisihin nyo gobyerno. Sinabi ba ng gobyerno, “Anakin mo ang maraming anak mo”. Na gawin mong libangan ang pagaanak. Naging labing dalawa ang anak mo isisisi mo kay GMA at lahat. Anong kasalanan ni GMA? Oo siya namamahala at lahat. Sinong namamahala? Siya. Anong kasalanan ng gobyerno? Ang dami nyong pweding erecycle na bagay. Mga lata lata lata ng sardinas, lata ng kondensada, lata ng anong mang lata. Lagyan nyo ng lupa. Namimili kayo ng gulay, itanim ninyo yong buto. Itanin nyo ! may tutubo at tutubo dyan. Saan nyo ilalagay kahit sa gilid ng bahay, sa bakod ng may bakod, sa bobong ninyo. Hindi nyo ba alam may urban farming na! Yong mga bulok na gulong, yong mga plastic na tinatapon nyo dyan. Lagyan nyo ng kakaunting lupa. Lagyan nyo ng buto ng kalabasa. Lagyan nyo ng kangkong, camoteng kahoy, camoteng gabi lahat na. Lagyan nyo ng pataba. Yong tatsi ninyo. Pasingawin nyo lang ! Maya nyo mataba na rin yan. Ang ibig kong sabihin mga anak. Maraming kapamaraanan, na ang tao ay hindi dapat maghirap. Lagyan nyo lang ng wish nyo, ng talino, utak ninyo ! Bagay na nagsasabi ang utak daw ng tao halos isang kutsara lang. Natutuyo pa. Hindi pa ginagamit. Kung ginagamit, nasaan ang utak mo? Nandito. Hanapin mo utak mo? Nandito. Ilapit mo sa ulo mo ! Eto. Mayron nang kinakalabit. Bakit sisisihin ang gobyerno? Yon mga nagrarally na yan. Embis na magtanin, ay hindi na tumanggap ng isang daan, dalawan daan at tatlong daan. Bandang huli professional rallier na. Hinanap na katawan sa bugbugan, sa tulakan. Hindi naman alam kung anong pinaglalaban. Kinasasangkapan ng mga cost oriented group. Talaga naman cost – cost - pera. Kinocosting na sila. Magkano ba kayo? Si Ka Maming,
Record012
si Ka na nagsasalita. Kilala nyo ba si Ka Maming? Yong matandang bungal. Noong magsalita, straight na straight. Aral yan. Pagkatapos magsalita, pagkatapos magrally bigyan ng limang daan, pwede na siyang umuwi. Bigyan lang siya ni Erap, bigyan lang siya ni GMA. Ngayon siguro may rioma na o ano pa man. Yan ! nakasama ng inyong Papang yan. Natutuwa ang Papang nyo pero kitang kita ng Papang nyo kung papano siya binibigyan ng pera ng mga miyegrante. Kinausap siya ng Papang, ninyo sinabi, “Ka Maming, walang maibibigay na pera ang Papang, sapagkat hindi prinsepyo ng Papang ang magbigay ng pera sa ganyan. Pero bigyan mo ako sabi ng Papang nyo nang dalawang matatalinong batang kahanay ninyo. Na hindi makapapasok sa Koleyo, gagawin scholar ng Papang. Mula first year hanggang fourth year, makatapos lang ng edukasyon. Wala kayong gagawin kung hindi pagtanggapin na siya pag bakasyon. Pagkayari ibabalik nyo siya sa Papang ninyo. Aakuhin siya ng tunay na anak ng Papang nyo. Kung babae titira sa mga Madre, kung lalake titira sa seminaryo hanggang makatapos. Ganon din sa grupo ng Santa Luicita sa Tarlac. Limang grupo ng hanay doon ng mga unionista, na hindi binibigyan pagpapahalaga ng mga taga Kouangko. Nandodoon nakatira sa hacienda nila barabarangay, barabarangay halos walang tubig, walang ilaw. Pero trabahador nila. Mas maliwanag pa ang ilaw sa golf course ng mga Kouangko, nila Tita Cory. Hindi baga magrarally ang tao. Noon nagrarally makapangyarihan pa sila. Binabaon nilang buhay ang mga tao. Kung hindi man sinusunog nila bilang banker oil sa kanilang mga factory na masukal. Ang Papang ninyo muntik nang gawin yan. Nong katetakeover nya sa People Power. Na nandodoon ang Papang ninyo na nagmimisa sa harapan ng US Embassy. Nasabi noon ng Mayor ng Maynila. Take over ni Lopez
Record013
mataba pa sa akin. Lumalakad yong Paring mataba, naka sotana at may estolang pula. Hindi nila nakita. Tinanggalan ng itak at sponge si Papang mulang May 1, 1986. Ang Papang nyo nong estudyante siya. Nagaral ng pagpapari sa Ateneo. Scholar siya sa Ateneo, laban siya kay Marcos. Walang rally na hindi siya nandodoon. Walang patayan sa mga rally. Sa mendiola, dyan sa may harapan ng dating Congresso. Dito sa bandang Batasang Pambansa at lahat. Hindi siya kasama. Pero dumating ang pagkakataon. Siya ang pari ni Marcos. Siya ang naglibing kay Marcos. Siya ang naglingkod kay Marcos. Dahil nong una, brain wash ang mga siminarista. Kung papaano kahit ngayon, brain wash din ang mga siminarista. Kinakasangkapan ng mga mafia ng ibat ibang order ang mga siminarista. Si Marcos masama, si Marcos magnanakaw, si Marcos diktador, si Marcos ang pinaka grabe. Pero ang dahil ang Papang nyo, itinalaga ng Diyos sa mga mission gagawin. Tulad ngayon, He was guiding by the Holy Spirit, by me, by the Father, na noon pa man na siyang pinili mulang kasangkapanin at gampanan ng inyong Mahal Na Ingkong. Iniaalay na ang kanyang buong pagkatao sa Ama sa langit. And because He can see the signs of the times. Natatanaw nya ang mga senyales na ang mga panahon tulad kong saan madalas siyang tumatanggap ng award. Nakita nyo na ba ang mga awards ng inyong Papang? Puntahan nyo doon ha! Sa likuran, kasama yong mga sapatos. Pero pila pila kayo’t walang VAT. Baka may bitbitin kayo. Hanggat libre pa, hanggat wala pang bayad. Yong, yong, yong museium, hanggang kaya pang tanawin ng malapitan, puntahan ninyo. Maraming plake, maraming appreciation, maraming award ang inyong Papang. Kung gaanong karami ang award nya, ganon din sa inyong Mamang. Sapagkat hindi siya tatanggap ng award sa sino pa man kundi hindi muna bibigyan din ang kanyang Ina.
Record014
Sapagkat sinabi nila siya ang maging guest speaker, hindi lang awardee, na isang award publish, sapagkat hinahangaan ang mga speeches nya, Hinahangaan ang mga accomplishment nya. Hinahangaan ang mga nagawa nya sa bayan, bilang isang Pari bilang Patriarka. Bilang isang Dean ng College, tapos siya ng Phd, bilang Barangay Captain, Public Servant at bilang isang Negosyante, at ngayon bilang Adviser sa sino mang umupo sa Malacañang, sa NIKKO at sa NASA. Nandodon pa siya sa interface. Hindi lang sa mga ecumenical movement ng mga Kristianong Simbahan. Pero sino ang Papang nyo? Ang Papang nyo ang Ulo ng Simbahan ninyo. Kaya iingatan nyo siya. Kapag ang Simbahan ay nawalan ng Ulo. Ano ang mangyayari sa katawan? Naryan ang mga kaaway ng Diyos, ang kaaway ng inyong Ingkong. Ang kaaway, pinipilit at pinipilit na pinapatay ako. Wala na raw ang Ingkong. Paanong wala. Sino tuloy nagsasalita sa harapan ninyo? Mayron iba dyan nagsasalita. Naniniwala ka ba dyan? Huwag nyo nang paniwalaan ! At kayong ginagawang salita. Tignan na lang nyo ang kanyang mga himala. Kung papano ang isang tunay na may sakit na may hawak pa ng mga doctor at mga hospital. Na halos lahat na ito, magpapakamatay na lang. Dahil grabe ang sakit. Paglapit sa inyong Ingkong. Casually, humingi ng tulong, humingi ng tawad sa kasalanan at humiling na pagalingin. Sinabi ng Ingkong ninyo “Magdasal ka at Magsisi ka”. Bumalik siya sa hospital, wala nang sakit. Pero dating buhay ay napakasama. Dati pa kaya ang kaluluwa sa Espiritu. Pero binuhay muli. Sino sa inyo ang humiling ng maraming bagay? Pano tuloy pumasa sa examination? Awayan ng mga pamilya, sakit, kamatayan. Mayron ba akong tinanggihan? Kung hindi ako Diyos bakit ko magagawa ang bagay na ito. Na kung minsan hindi pa kayo nagwiwika, sinasabi ko na ang sakit hanggang paa nila. Kung mayron man nagging hatol. Ano ba ang mangyayari ryan. Sa panahon ng mga Anghel sa langit. Nahati ang langit. Nagkaroon ng isang satanas.ng dati
Record015
Lucifer, ang ibig sabihin principe ng kaliwanagan. Sa panahon ni Adan at ni Eva sa kanyang luwalhati nagkaroon din ng baha. Sa panahon ni Moises ganon din. Sa panahon ni Kristo at maging sa panahong ito. Ngayon, sapagkat kayo tatanghal. Hindi pweding parehong magtagumpay. May isang magtatagumpay at may isang masasawi. Ang magtatagumpay ay ang kinakasihan ng biyaya ng Diyos at ang masasawi ay yong humiwalay sa Diyos. Pinapayagan ko kayong pumanik sa Sacrifice Valley, kung kakayanin ng dibdib ninyo. At pakiramdaman nyo doon kung anong nangyayari. Hindi kayo dapat magsalita, hindi dapat humatol. Tignan na lang nyo ang kapaligiran. Damahin nyo ang atmosphere. Maging ang hangin wala ng buhay ! Kalungkutan nakikita sa mga mukha. At ang mga tao don iisa lamang ang mga arte o nilalarawan “manghahatol”. OOO OOO OOO OOO [People laugh] Akala nila habang buhay sila roon. Pati yong mga guro, Elementarya, Secondarya na isa sa nagtatag ng eskwelahan yan walang iba kundi ang Papang ninyo. Ngayon, ginawa na panganay na kapatid ng Papang nyo! Siya raw ang Presidente, pero hindi nila makuha yong College. At ni isang kusing, walang nilagay dyan ng inyong Mamang at wala nang nilagay kahit sino pa man kundi ang Papang ninyo. Ang naglagay ng pera dyan sa tulong ng ibang mga politiko. At kung mawala si mang Ben? Kung kunin ng Ama si Mang Ben na kanilang pinapanginoon. Saan pupulutin yang mga teacher na hatol na yan? Na kapag hindi ka nagsimba sa simbahan nila ng mga paring xkomunikado, walang mandato. Mga tinanggal ng inyong Papang at inalisan Ko ng kapangyarihan. Nag mimisa pa rin ! Hindi sapagkat marunong mag misa, misa ng misa. Kayat bawat pagtanggap ng Komunyon, na tinapay na kasama ang sumpa at kaparusahan. Ang iba, iba nagkakasakit
Record016
UTI, kati almoranas. Kati na. O kung yon, minamahalaga nila, sapagkat yon daw ang lupang banal. Hindi inaalis ng Papang ninyo ang lupang banal. Sapagkat noot noon pa, simulat simula pa wala naman kasama ang Mamang ninyo.
Wala naman akong kasama, kundi ang Papang ninyo. Bakit itong panganay, matapos gumawa ng kasamaan sa Amerika. Pumatay ng tao rito sa Pilipinas. Nagpanggap na siya raw ang pinalutang sa pasig river para makakuha ng insurance money sa Amerika. Mayron authenticated death certificate sa NSO sa Pilipinas, at may death certificate sa Amerika. Bakit buhay? At ngayon makapangyarihan pang sinasamba. OOO OOO OOO at dahil ang Papang nyo ay matuwid kahit sa dugo, sa angkan, sa kaluluwa. Mananatili syang tapat sa katotohanan lalo na sa kabanalan. Hindi nya maaaring ipikit ang kanyang mata para malaman lang ng tao na nagkakaisa silang pamilya. Nabubuhay ang lahat sa kasalanan at kasamaan. Hindi ba kasalanan murahin mong deretsohan ang nanay mo. Na alam mong may sakit na. Ang salita mong “putang ina mo” at hingan mo nang pera pagkalakilaki at sasabihan mo ang mga naniniwala sa Mamang. Bakit naniniwala kayo sa kalokohan ng Ina ko. Pagkatapos ang pangaral ngayon nang kanilang Ina. Na ayaw nilang maging banal, maging Santa na nong ginagawa ang kanyang Beatifikasyon, Kanonisasyon nag withdraw at nagiinoman sila ng alak. Ngayon, mahal na mahal daw nila. Ngayon nila na realize kapag wala na ang Mama. Wala na silang payola, na dati rati linggo linggo tumatanggap sila ng pera. May sakit na ang inyong Mamang. Ginagamit ko na ang inyong Papang. Sa bawat kontribusyon, bawat abuloy ng tao. Ni isang kusing hindi kumukuha ang inyong Papang, lahat pinadadala sa Mamang nyo. Noon pa pala, ilan taon na ang nakararaan. Ang bawat isang kapatid ng inyong Papang tumatanggap ng libulibong salapi. Samantala ang inyong Papang nagsisikap, nagsisiphayo, nagtratrabaho. Gumagawa ng ibat ibang negosyo. Pinakakapalan ang mukha na kung minsan nga nakikita nyong nagtitinda na ng
Record017
may salsado ng gotto. Nagtitinda ng pansit kung maraming tao at may okasyon. Pero hindi nyo narinig kahit kanino sa inyo na hiningan kayo ng pera. Kahit ngayon, kahit ngayon sa kanya sumasalalay maging itong eskwelahan na tinatayo ng inyong, ng inyong Simbahan. Ang Koleyo De Santa Maria Virginia dapat panga lang ma approbahan sa susunod na school year 2006, 2007. Dyan sa Barangay Holy Spirit, patungo dyan sa Batasan. Ang daming pangangailangan pa la. Nandyan si Maria Lilian, na secretarya ng inyong Papang. Ilang libong piso ang kailangan isulat sa cheke na noon ang usapan gagamitin lang ang lisensya ng Papang nyo. Maging ang kanyang pagiging Doctor of Philosophy, PHD, Para matayo at dahil marami rin problema ang inyong Papang na kinakailangan financial na hindi naman nyo nadidinig na humihingi, namamalimos sa inyo, inuutangan kayo. Pero yon pa rin, bandang huli, wala ng pinadadala ang Amerika ng Obispo Adolfo. Bandang huli si Papang na rin. Palagi na lang ba pagsasamantalahan si Papang? Inaabuso ang kabaitan! Mahal kayo ng inyong Papang pero may hangganan ang lahat lahat. Tandaan nyo yan. Kung Mayron kayong taong dapat ingatan, pahalagahin, sa pagkakataon na yon ay walang iba kundi ang inyong Papang. Sapagkat sa pamamagitan nya dumadaloy ang biyaya. Ang pagpapala ko. Saan nyo ako gustong matagpuan? Sa mga puno. Sa mga bituin, sa buwan, sa araw. Ititingala ninyo ang inyong mga mata, o sa balintataw na lang ninyo. Hindi ba mas maganda na yong naririnig ninyo ako. Nasa pamamagitan ng tinig ng inyong Papang buong pagkatao nya napaglilingkuran ko kayo.
Record018
Isa pa, para maaliw at makilala ninyo. Mahal at pinakamamahal ko kayo. Sana sa mga pagtitiwala nilalagap ko sa inyo. Sa pagkakataon pangingindapatin nyo. Hindi habang panahon ay naririto kayo o kaya hindi habang panahon ay maghihirap kayo sa pag upa sa lugar na to. Sapagkat ako ang nagwiwika. Darating ang panahon, magiging inyo ang Edsa at hindi na kayo magbabayad buwan buwan. [People clap their hands] Maging masunurin lang kayong tapat sa pananampalataya sa akin mga kautusan, kayong lahat ay giginhawa. Inihahanda na ni Arsobispo ang kanyang sarilit grupo. Kasama si Apostol Simon at si Apo taga DENR Florentina. Yong unang unang 100 hectars sa Antipolo, ay matirahan na ng mga may tatak. Mayron isang daang hectaria binibigay sa Simbahan ninyo, ng may mga tatak, wala kayong babayaran. Subalit susunod kayo sa kautusan. Kung papaano hindi kayo maaring manigarilyo, uminom ng alak, o magdroga, magsugal. Hindi nyo maaring gawin yon. Hindi kayo maaaring magpantalon kayong kababaehan. Magiging Sacrifice Valley ang inyong lugar. Magtatanim kayo ng mga punong manga. Na kung may punong manga sa lupain mo. Hindi mo punong manga yan. Punong mangga yan ng Simbahan. Yong malalaking puno, puno ng Simbahan yan. Hanggang sa anihan sapagkat naroroon yan sa lupain mo. Bibigyan ka ng ikapo ng Simbahan. Sa lupain mo maaari ka ng magtanim ng mga gulay, ng mga saging, ng mga papaya. Na maaari mong maging kabuhayan. Kapag umani ka, ikapo naman yan na inani mo. Ibibigay mo naman sa Simbahan. At kung susunod
Record019
Santong Kasulatan, tignan ninyo simulat dulo kung hindi sa mata ninyo. Bubuksan ko hindi lamang ang pintuan ko pati ang mga bintana upang puspusin ko kayo ng biyaya. Kung bakit naghihirap ang tao dahil madamot siya sa Diyos. Wala siyang tiwala sa Diyos. Lahat ng ibig nyang pagkabigyan paakit, paamin, paasim. Siya at ang lahi nya lang ang mahalaga. Pero ang kapwa nya at ang Diyos, baliwala sa kanya. Hiniling magtutulisan ang mga Sambahan na Iglesia. Mali at kalapastanganan nyang turo. Si Kristo, tao lang, si Manalo Anghel sa silangan. Pero tama ang pamamaraan ng pakikiisa sa Simbahan. Noong pa man, sila ay mahigpit sa ikapo. Kahit saan ka tumingin may tulisan na samba, mapa Bikol, mapa saang sulok. Pati mismo sa Roma, mayron silang tulisang Simbahan. Bakit? Dahil nagkakaisa sila sa gawain. Pero, maliligtas ba sila? Yon mga taong tapat at sumusunod, maliligtas. Yon namiminunung manliligaw, maliligaw. Papano ka maliligtas kung Kordero ng Diyos. Na sinasabi ng Santong Kasulatan na “Kapag hindi mo tinanggap si Kristo bilang Diyos, kailan pa man hindi ka makasasapit sa Kaharian ng langit” Ay si Kristo raw ay tao lang. Minsan mas makapangyarihan pa kay Kristo sa sabungan. Ang sabi nila “logees, loges, tolo, tolo”. Ano yong tolo? Pito walo, yong pito mo mananalo ng walo. Logees, yong walo mo mananalo ng sampo. Yan ang tawag dyan Kristo. Tignan nyo lahat ng simbahan, mga Mormons, kahit saan, kahit sa Afrika, mayron silang mga sambahan. Pero hiwalay, isang building dito pagmemetingan na nila at isang sambahan. Ang maaari lang pumasok sa sambahan na yan ay yong nagbibigay regularly ng kanlang mga tight. Pag hindi itong Simbahan dyan ka na sa gilid. Hindi ka pweding pumasok sa Holy of the Holys na kanilang tinatawag. Kung saan nandoon daw ang tahanan ng Diyos. At sa dalawang simbahan na ito madalas maraming namamatay na buhay. Kapag hindi ka nakapaglagap na dapat mo ilagap, patay ka.
Record020
Sanay makatay mo. Patay ka sa pananampalataya. Pero maglagap ka ng mas malaki sa iyong ine expect sa iyo, buhay na buhay ka. Pupurihin ka, binabasa ang pangalan, binabasa kung magkano ang nilagay. Kung ito ang gawin ng tao. Arsobispo, bilang pagsubok sa marami ninyong kahilingan. Ibig kong gawin mo na ang libro na nagiikapo. Ilathala nyo dyan sa labas ang mga pangalan na nagbibigay. Kung buwanan ang binibigay at kung magkano isang buwan ang nalilikom. At ilalabas nyo rin sa inyong audit, sa accounting saan nailalagay ang mga gastusin para mayron transparent. Para hindi makita na may bahay kang mansion sa Masbate at mayron kang dalawang sasakyan expedition at pajero na binibigay na kotse si Apostol Bartolome. Binibigay ng kabuhayan si Apo Batina. Sa susunod na buwan yong taxi ni Papang, taxi mo na raw. Bakit sila binibigyan ng pagpapala? Yon ba ang winiwika ko? Nagbobola lang ako at nagsisinungaling? Hindi. Yang magasawa na yan, mula nong nadikit sa Ingkong ninyo. Hindi na humiwalay. Buong maganak nila, galling pa sa Mindanao, sa Visaya, pinipilit patatakan. Pati kasamahan sa mga trabaho, pero hindi nila kinalilimutan ang kanilang pakikiikapo nila. Kung saan ito inanounce. Halos lagi sila ang pinakamaling pakikiikapo. Ano na ang ipinalit sa kanila? Bahay, sasakyan, kalusugan. Kaya malusog na malusog si Apostol Bartolome. Sasakay yan sa barko, pero dahil Apostol. Sa pagiging pagka Apostol at sa Nobyembre ordinahan pari, lahat ng Apostol. Hindi na sumakay. Kailan lang ay yong napabalita, na mga Pilipino, tripulante. Saan lugar yon Bartolome sa Afrika. Ilan sila? Apat na hanap buhay ay muling kasamahan nya sa barko. Yon iba dyan kakilala.ng asawa nya. Kailan lang, yong mga nakatira sa bahay nila. Pinabasbasan. Bayaw mo yan o bilas. Yong nagmomotor. Bilas. Dahil don sa kanila nakatira, napilitan magpatatak. Natatakan. Paano yata ganon lang ang may tatak. Hindi nagsisimba, hindi gumaganap, basta nagpatatak lang. Ay minsan nagmotor. May kaangkas, na aksidente ang motor. Yong kaangkas, halos ang daming pinsala. Siya na may tatak, galos lang ang mayron siya. Ay siya ang nasa harapan, dapat siya ang unang mapinsala. Bilang biyaya ng mga tinatatakan. Pero hindi lahat ng pagkakataon. Yon sapagkat may pinatutunayan palang ang Ingkong. Kaya kayo ang mahalaga sa inyong mga bagong tatak ang magpakaganap kaagad. Huwag niyong hanapin ang kapangyarihan ng Diyos, ang biyaya ng Diyos sa inyo. Kahit wala pa kayong nakikitat nadarama. Kahit wala pa kayong himala na nagpapatutoo sa inyong pananampalataya. Sapagkat higit pa dyan ang ibibigay sa inyo ng Diyos. Subukan nyo ng subukin ang kapangyarihan ng Diyos, kundi malulungkot kayo, malulungkot kayo. Maglilingkod ako.
Record021 – Same with Record020
Record022
Paano ipanganganak muli ang isang tao? Kinakailangan ba nyang pumunta uli sa sinapupunan ng kanyang Ina upang isilang siya muli? Ang sinabi ng inyong Panginoong Hesu Kristo sapagkat sinabi nya “Ang sinuman hindi ipanganak muli ay hindi makakarating sa langit” ang ibig sabihin ng inyong Panginoon Isilang siya sa Espiritu, sa Espiritu Santo. At yan ang nangyari sa inyo. Kayong lahat ay bininyagan ko. Bilang Espiritu Santo, sa tatlong elemento – sa Apoy, sa Tubig at sa Espiritu. Kung kayo unang bininyagan binyag ni Juan Bautista sa Simbahan. Paglilinis ng inyong kasalanan mana. Pero ngayon, pagkakasilang nyong muli sa Espiritu. Kaya tatandaan nyong panahon ito. Next year, at sa mga darating pang mga taon. Hindi ito ang kapanahonan, hindi man tumapat sa araw ng kagampanan ko. Sa linggong yon, yon ang inyong kaarawan. Kayo ay mamanyanitahin. Hinaharana kayo ng Diyos. Itong pagkakataon magsusulit kayong muli sa akin. Para sa ganon, anoman ang nagawang pagkukulang, pagkakamali at sa kaarawan ninyo, ipinagkakaloob ko ano man ang kahilingan ninyo. Huwag nyo lang ipagkasala. Kaya manood kayo mamaya. Sino ang magpapamanyanita, itaas ang kamay. O, walang nagtaas, salamat. Ha. Ilan ang magpapamanyanita? Taas. Isa, isa lang! Dalawa! Kayong mga bagong tatak, tabi tabi kayo. Sa gilid muna kayo.
Record023
Kayo rin ang mga Mother Patrio, nang inyong mga kapilya, simbahan. Kaya, napakalaki ang tungkulin ninyo. [Tungkulin ng mga Maria] Ibig ko kayong maging Nanay ayaw ko kayong maging Lola. Yong Lola, kadalasan iniistorbo ang mga Apo. Yong Nanay natutulog. Kaya mayron nagsasabi, maghanda at maayos na kaparaanan. Ha ! Ayaw kong may maging kaaway kayo, mayron magagalit sa inyo at ayaw ko rin na hindi ninyo ginagampanan ang tungkulin ninyo. Mahalaga ang tungkulin ninyo, nakita nyo na iba kayo ng uniform. Pahalagahan ninyo ang bagay na yan. Gumanap kayong buong buo, ng buong kaganapan, buong pananampalatay. May mga toka officers kayo, hindi ninyo sila kalaban, kaisa nyo sila sa lahat ng pagkakataon. May iba silang tungkulin, may iba kayong tungkulin. Kaya sa inyo, para sa mga kabataan, mga auxiliary. Kaya naryan kayo. Ha ! Pero kung ang chairman ninyo o sino pa man ay nangangaral din sa kanila. Karapatan din nila yon. Huwag nyong sasabihin “huwag kang mangangaral dyan, hawak ko yan”. Hindi pwede yon, tulong tulong kayo, tulong tulong. Tinataas ko kayo ng antas. Kaya pinapakilala ko kayo ng husto. Kaya gampanin ninyo ang aking pagtitiwala. Maliwanag ba? Grupo kayo, isa kayo sa pinakamarami sa group. Yong Apostoles labing dalawa lang e. Ang mga siyam lang. Kayo anim na pu. Bawal ang union. Papatayin pa kayo ng union. Union, sibuyas, lagyan ng bitsin. Ha ! Kaya aayusin nyo ang sarili ninyo. Sige. [Kristus Vincit is sung] [Ingkong Bless them] Tanggapin ninyo ang aking pagpapala buhat sa Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo. Palitan ninyo ang mga pangalan ninyo doon para matype ng Papang ninyo ang mga “Ambasador for Peace Award Group” na maari nyong ilagay
END
|