Upcoming Events
Sorry, no events to display. You can add your own events by logging in fist and selecting Events from the User Menu
 
 
 
CIRCULAR 2011-07-03
HIS HOLINESS PATRIARCH DR + JOHN FLORENTINE, PP. PhD
Mga Nabuong Samahan na Hiwalay sa Simbahan ng Mahal na Ingkong

Download this Circular Letter in printable PDF format

Ave Maria Purissima! Cin Picado Con Su Vida! Pangkalahatang Pahayag .

Taong 1992, itatag ng Banal na Patriyarka Juan Florentino, sa bendisyon ng Diyos Espiritu Santo, ng Mahal na Ingkong, at ng Banal na Luklukan, ang Simbahang Apostolic Catholic Church (ACC). Ito ang tangi at nag-iisang simbahan na itinatag, kinikilala ng Banal na Luklukan hanggang sa kanyang pagpanaw noong taong 2005. Ang ACC din sa pahintulot at pagmamarapat ng Banal na Patriyarka, alang-alang sa misyon at pangangailangan ng mga kaparian at madre na maglilingkod sa mga tinatakan at hinirang, ay nagtalaga ng mga kalalakihan upang ordinahang pari, at mga kababaihan upang italagang madre at relihiyosa.

Makalipas ang may ilang panahon, sa mga nasabing pari may hinirang ang Simbahan na mga Monsinyores, Obispo, at may naging Arsobispo. Patuloy na lumago ang simbahan sa pagtatalaga at suporta ng mga tapat na hinirang at tinatakan. Nasimulang lumaganap din ang misyon ng Mahal na Ingkong at ang Kanyang simbahan sa buong kapuluan ng Pilipinas bilang Bagong Herusalem at sa iba’t ibang mga bansa sa mundo; Una sa Hongkong-SAR, ikalawa sa Estados Unidos ng America, sinundan na ng Canada, Bansang Hapon. Nabuhay at nabuo na rin ang misyong pang-simbahan sa London, United Kingdom, sa Milan, Italy at sa kasalukuyan ay sa bansang Singapore at bago matapos ang taong 2011, sa Nobyembre ay may misyon na sa Combodia. Hindi mapagkakaila ng aktibo na ang mga tinatakan maging sa mga bansang Muslim tulad ng Brunei at Kingdom of Saudi Arabia. Mayroon ng mga Klerigo na Fijing (Indian Heritage), Paring Hapon, American-German at Mexican-American). Sa pamumuno ng Banal na Patriarka, ang Apostolic Catholic Church ay naging lubos na kasaping Simbahan sa National Council of Churches in the Philippines (NCCP), minsan nang nanguna at namuno sa National Social Action Council (NASAC), at sa isang Commission nito, ang Commission ng Moral and Spiritual Development. Kinilala at tinanggap ang ACC dahil na rin na ang Banal na Patriarka ay naging aktibong miyembro at Director ng Rotary Club of Manila San Miguel 3810, Governor-Elect ng Global Peace Association of the Philippines, Associate Member ng Unification Movement ( Interreligious International Federation of World Peace), naging Public Servant (Kagawad at Barangay Chairman ng Sacrifice Valley, Hermosa, Bataan),
napapunta at namuno na rin sa Academe World, na ang Banal na Patriarka ay Presidente at Dean of College ng College of the Most Holy Trinity sa Hermosa Bataan at Presidente at Chairman of the Board ng Colegio de Santa Maria Virginia P Leonzon, sa Brgy Holy Spirit, Manggahan, Commonwealth, QC., dahil na rin sa kanyang Masteral Degree at Doctoral Degrees (PhD), at Full Scholar siya ng Ateneo de Manila University sa kanyang Baccalaureate Degree. Naging Recipient din ang Banal na Patriarka ng hindi na mabilang na Awards at naging Guest Speaker/ Guest of Honors sa maraming Award Bodies. At din man marapat na sabihin, laman din siya at napapanood sa mga Teleserye bilang Talent sa Channel 2 ABS-CBN, GMA 7 at sa Government Television Channels 4, 9 at 13. Basta’t mayroon National Issues at Concerns ang Bansa, isa ang Banal na Patriarka ang pinagtatanungan ng opinion at pahayag.
Buhay at kasama pa man ng mga tinatakan ang Banal na Luklukan, may ilang tinatakan na din, na sa paglipas ng panahon, sa kabila ng pagkakataon at pag-unawa ng Matriyarka, ay naiba ng aral at kusang-loob na humiwalay sa karamihan at nagsarili. Nagkaroon sila ng kanilang aral at katuroan tulad halimbawa na sa kanila:

  1. Ang Mahal na Birhen Maria ay Diyos.
  2. Ang Banal na Luklukan na si Sta Maria Virginia ay Diyos.(COMBI)
  3. Na ang Diyos Espiritu Santo, ang Mahal na Ingkong at ang Mahal na Birhen Maria at si Santa Maria Virginia ay IISA.(COMBI)
  4. Na ang Diyos Espiritu Santo, ang Mahal na Ingkong at ang Mahal na Birhen Maria ay iisa at si Santa Maria Virginia ay luklukan. (1Feb2011 - Apo Cecilia (SV))
  5. Na ang Sta Maria Virginia ay nagbalik bilang espiritu/kaluluwa at nagsakatawan/sumakatawan ng isang batang babae (MECC), sumasanib sa katawan ng isang Apo (COMBI-Adelaida at dating Apo Cecilia ng (SV), 1 Feb 2011)

    WALA SA ARAL AT DOKTRINA NG SIMBAHAN

    Ang ganitong katuroan ay wala sa banal na tradisyon ng Simbahang Katoliko at ang aral na tulad nito ay matatagpuan sa mga aral Pagano bago pa masakop ng Kristiyanismo ang Paganong Roma at ang kanugnog na mga bansa. Ang katuruang ito ay nahaluan at nasangkapan ng mga katutubong lihim na aral na karaniwang matatagpuan sa mga kultong aklat at ng Bundok Banahaw. Ang mga aral tungkol sa Diyos Infinito at Diyos Infinita, ang AEIOU (Diyos Ama. Diyos Anak, Diyos Espiritu Santo, Diyos Ina at Diyos Kalikasan), at iba pang katulad nito ay pawang lumangkap sa kanilang aral.

    SINABIHAN DIUMANO NG BANAL NA LUKLUKAN
    Ang nakadagdag pa dito ay ang kanilang pag-aangkin o "claim" na diumano ay sinabihan sila ng Banal na Luklukan o ng Mahal na Ingkong na sila ay may espesyal na misyon na sila diumano ay itinangi sa ibang tinatakan at marami pang iba. Mayroon din sa kanila na kini-claim nila na sila man ay niluluklukan ng Mahal na Ingkong na pinabubulaanan naman ng Banal na Luklukan at ng Mahal na Ingkong at ng Banal na Patriarka.

    LUKLUKAN DIUMANO NG STA MARIA VIRGINIA
    Ang pinakahuli sa mga pag-aangkin nila ay sila diumano ang Luklukan ng Sta Maria Virginia. Ito ay isang aral na napakaraming butas at pagmumulan ng samut saring opinyon at kuro kuro at magugulong aral - na ang kalalabasan ay hindi pagkakasundo at pagkakasalu salungat na sa halip na ikabuti ng Misyon ng Diyos Espiritu Santo - ay ikasira at ikagugulo.

    Sa paanong dahilan, kung siya ay niluluklukan ng Sta MAria Virginia, hindi malayong i-claim din na ang Mahal na Ingkong ay lumuluklok sa Sta MAria Virginia. At kung magkanoon din hindi malayong sa susunod ay luluklukan din siya diumano ng Senior Noemi, ng Mama Mary, ng Diyos Ama at kung ano ano pa.

    INCOMPATIBLE SA TURO NG SIMBAHAN
    At dahil ang gayong mga aral ay incompatible sa turo at doktrina ng ating Simbahan at ayaw naman nilang irecant o bawiin, ang Banal na Patriyarka, bilang ulo at itinatalaga ng Mahal na Ingkong at ng Banal na Luklukan na mangalaga sa mga tinatakan, sa kabila ng pagbibigay sa kanila ng pagkakataon na magbalik, sila ay inexcommunicate o itiniwalag. Sa kanilang pagkatiwalag, nagtatag sila ng sarili nilang samahan o pangkat na ang aral nilang naging dahilan para mawalay sa tunay na puno ng ubas ay siyang naging pangunahing aral ng kanilang samahan.

    Diumano ay nabigo ang Mahal na Ingkong sa Kanyang Simbahang ACC at sa Banal na Patriyarka na ihayag at ibunyag sa tao ang tunay na kalagayan at kalikasan ng Mahal na Birhen bilang Diyos Ina, gayon din na ipahayag na ang Sta Maria Virginia at ang Mahal na Ingkong at ang Mahal na Birhen Maria ay iisa. Kung kaya diumano, bumalik sa panibagong katawan ang kaluluwa ng Sta Maria Virginia upang itayo ang panibagong Simbahan na magtataguyod sa aral na ang Birhen Maria, ang Theotokos, ang Espiritu Santo o Mahal na Ingkong at ang Sta Maria Virginia ay IISA.

    PAGPAPATULOY DIUMANO NG NASIMULAN NG BANAL NA LUKLUKAN
    At mayroon din naman na humiwalay sa Apostolic Catholic Church at nagtayo ng kanilang sariling simbahan at diumano ay kanilang ipinagpapatuloy ang nasimulan ng Banal na Luklukan at ang kaniyang itinatag at pinagmulang kilusan, ang First International Sacrifice Valley Kilusang Katoliko o FISVKK. Nagsama sama ang mga itiniwalag na Obispo, Monsinyor at kaparian at inamuki ang isang banyagang anila ay Arsobispo ng Romano, na Schismatic o tiwalag ng Romano upang magbigay sa kanila ng Mandato. Isang Arsobispo na hindi kumikilala sa Banal na Luklukan bilang Santa at hindi isang tinatakan ng Mahal na Ingkong at hindi mananampalataya ng Diyos Espiritu Santo sa kanyang pangalang INGKONG. Ang mandato ay ang karapatan at kapangyarihan na nagbubuhat sa mga Apostoles ng P.Hesus. Ang mandato nila na kaloob ng Simbahang ACC at ng Mahal na Ingkong at ng Banal na Luklukan ay inalis sa kanila sa kanilang paglabag sa kanilang sinumpaan noong sila ay ordinahan at konsagrahan bilang mga alagad ng Kanyang Simbahan.


    ANG MANDATO O KAPANGYARIHAN
    At dahil ang mga tumiwalag at sumuway na kaparian ay sa isang hindi tinatakan at hindi tunay na mananampalataya ng Mahal na Ingkong at ng Sta Maria Virginia tumanggap ng tinatawag na mandato, at siya ay isa diumanong excommunicated na ARsobispo, Romanong mandato kung mayroon man ang tinanggap nila at hindi ang Mandato ng Mahal na Ingkong mismo na tanging ang Banal na Patriyarka lamang ang makapagkakaloob at makapag-aalis nito sa sinoman.

    Iisa lamang ang pinagmumulan ng lahat ng kapangyarihan, ang Diyos. Subalit may mga channels o daluyang kinikilala ang Diyos at ang Simbahan. Isa na diyan ang mga Apostoles ng P.Hesus, at sa huling kaganapan ng Diyos, ay dalawa ang daluyan ng nabanggit na kapangyarihan at mandato - ang Banal na Patriarka at ang Banal na Luklukan. Noong nabubuhay na kasama natin ang Banal na Luklukan, Siya bilang Matriarka, ang kinikilala maging ng Banal na Patriarka, na may kapangyarihan pangalawa sa Mahal na Ingkong. At dahil sa iginawad ng Banal na Luklukan sa kanyang anak, ang Patriarka, bilang lehitimong tagapangalaga ng mga tinatakan at ng misyon ng Mahal na Ingkong, ang kapangyarihan iyon ay nalipat at isinalin kay Juan Florentino.

    At dahil sa pamamagitan at pagsisikap ng Banal na Patriarka Juan Florentino kung kaya natatag ang Simbahan ng Diyos Espiritu Santo kung kaya ang lahat ng kapangyarihan na may kinalaman at kaugnayan sa Doktrina, Aral, at pagkakaloob nito ay sa kanya pinadaan maging ng Banal na Luklukan.

    PINAGMUMULAN NG KAPANGYARIHAN AT KARAPATAN
    Dalawa ang pinagmumulan ng mandato at kapangyarihan ng mga kaparian ng Apostolic Catholic Church, ang una ay mula sa pagpuputong ng kamay ng mga Apostoles ng P.Hesus at iyan ang ipinasa-pasa na tinanggap ng Banal na Patriarka at ipinagkaloob naman sa mga pari. Ang ikalawa ay ang mandato at kapangyarihan na nagbubuhat sa Mahal na Ingkong sa pamamagitan ng Banal na Luklukan na iginawad naman sa Banal na Patriarka at ipinagkakaloob naman sa mga pari, at maiaalis o mababawi din naman niya anomang oras at panahon sa tiyak na kadahilanan.

    Ayaw nilang tanggapin ang Banal na Patriarka bilang may-karapatan at kapangyarihan sa pangangalaga sa mga tinatakan. Tahasan at harapan nilang ipinakita ang kanilang pagsuway sa pinakamataas na itinalaga ng Mahal na Ingkong at ng Banal na Luklukan. Ang Banal na Patriarka na siyang nagsilang sa pananampalataya sa pagsamba sa Diyos Espiritu Santo sa pangalang Mahal na Ingkong kasama ng kanyang ina, ang Banal na Luklukan. Sino pa bukod sa kanya at sa kanyang ina ang tinipan ng Mahal na Ingkong? Sino sa lahat ng mga tinatakan at hinirang ang nakahihigit sa kanyang naging kaganapan na maipakilala sa buong mundo ang kaganapan ng Mahal na Ingkong, ang Sacrifice Valley? Sino sa mga tinatakan ang nakapagbigay ng mataas na pagpapahalaga sa Banal na Luklukan?

    Kasama at buhay pa man ang Banal na Luklukan, siya kasama ng kanyang ina, ay ginagamit na din, maging sa pasimula ng Mahal na Ingkong sa mga kaganapan tulad ng pagtatatak, pagmemensahe, sa mahal na araw, sa Senior Noemi at siya din ang nagrerepresenta sa mga tinatakan at hinirang at sa kanyang ina sa mga malalaking pagtitipon, pangbansang Pilipinas man o sa ibang bansa. May nakagawa na ba nito sa sinomang tinatakan? At sino sa mga tinatakan maging noon pa man ang tinipan ng Mahal na Ingkong nang katulad ng pagkatipan sa Patriyarka at sa kanyang butihing ina, ang Banal na Luklukan?

    AMA SA PAGTAWAG SA DIYOS ESPIRITU SANTO SA PANGALANG INGKONG
    Noong 1993 ay ipinalabas ang pelikulang INGKONG: Alpha at Omega. Halos ito ang dokumentado at hayag na katotohanan ng kaganapan ng Patriyarka at ng Sta Maria Virginia, ang kanyang lugar sa kaganapan ng Diyos Espiritu Santo. Siya, ang Banal na Patriyarka, ang pintuang pinasukan at pintuang lalabasan ng Mahal na Ingkong, sa kanya pinasimulan sa kanya magtatapos. Tulad ni Patriyarka Abraham, na naging ama ng maraming tao na kumikilala sa Diyos ng Hebreo, ang Patriyarka Juan Florentino ang naging ama sa pananampalataya at pagtawag sa Diyos Espiritu Santo sa pangalang INGKONG o Mahal na Ingkong. Kahalintulad ni San Pablo na hindi inaaring kasalanan na tawagin niya ang kanyang sarili na ama sapagkat sa pamamagitan niya ay isinilang sa pananampalataya sa Panginoong Hesus ang maraming tao.

    Nakatitik sa Sampung Utos ang mga katagang, ibigin at igalang natin ang ating mga magulang, ama at ina, upang lumawig ang ating buhay at sumagana tayo sa lupaing ibibigay ng Diyos. Kung ganito ang pag-uutos sa atin patungkol sa ating ama at ina na nagsilang sa atin sa maliwanag o sa daigdig na ito, bakit hindi naman higit ang magiging kapalaran ng magmamahal sa ama na sa pamamagitan niya ay naunawa natin at nakilala ang Diyos Espiritu Santo?

    Walang ibang kinikilala na ama at ina, o patriarka at matriarka ang mga tinatakan magmula pa noon, maliban sa mag-inang Apo Juan Bautista at Mama Viring o Sta Maria Virginia sapagkat sa kanila at sa pamamagitan nila ay isinilang ang pananampalataya sa pagtawag sa Diyos Espiritu Santo sa pangalang INGKONG. At sa pamamagitan din nila ay sumilang ang simbahan ng Diyos Espiritu Santo.

WALA NANG TATAKAN
Tunay na sinabi nga ng Mahal na Ingkong sa labi ng Banal na Luklukan na wala nang tatakan o pagbabasbas pagkabinunot na Niya ang Luklukan. Ito ay upang pagkaisahin ang kalooban at isip ng mga tinatakan na wala nang iba pa Siyang gagamitin bukod sa batid nang lahat na ginagamit na, ang Patriyarka. Ito ay sa maliwanag na kadahilanan na sa dalawang tao, sa mag-ina, Siya nakipagtipan. Napakita at nakipagtipan ang Mahal na Ingkong sa Banal na Patriyarka at sa pamamagitan niya ay natagpuan ng Mahal na Ingkong ang kanyang butihing ina, si Maria Virginia. At Siya, ang Mahal na Ingkong, ay nakipagtipan kay Maria Virginia, bilang kanyang Esposa. Ginawa ba ito ng Mahal na Ingkong sa isang tiyak at hindi mapabubulaanang katibayan sa kaninomang tao o tinatakan?

Ang Mahal na Ingkong sa katauhan ng Banal na Patriyarka samantalang nagtatatak sa mga bagong hinirang na luklukan ng banal.

ITO AY UPANG PAGKAISAHIN ANG KALOOBAN AT ISIP NG MGA TINATAKAN NA WALA NANG IBA PANG GAGAMITIN ANG MAHAL NA INGKONG BUKODD SA BATID NANG LAHAT NA GINAGAMIT NA BUKOD SA KANYA (STA MARIA VIRGINIA), WALANG IBA KUNDI SI APO JUAN BAUTISTA.

 

MGA HIWALAY NA SAMAHAN AT KAUNTING DETALYE TUNGKOL SA KANILA

ANG CHURCH OF THE MOST HOLY TRINITY O CMHT Ang CMHT ay sektang binuo at itinatag ng mga kapatid ng Banal na Patriyarka bilang kapalit ng ACC sa Sacrifice Valley. Ang mga tagapagtatag ng CMHT ay pawang hindi Obispo, maliban sa isa na isang ordinadong pari ng ACC. Nilalayon ng CMHT na ipagpatuloy ang nasimulan ng Banal na Luklukan sampu ng mga orihinal na organisasyong itinatag niya. Ipinakipaglaban ng mga tinatakang naakit sa bagong sektang CMHT na manatili at huwag umalis kahit saglit man lamang sa Sacrifice Valley. Ang CMHT sampu ng iba pang sektang natatag ay pawang nabuo nang panahong hindi na natin kasama ang Banal na Luklukan. Walang mandato at bendisyon ng Mahal na Ingkong at ng Sta Maria Virginia. Nagsama sama ang ilang mga obispo, monsinyor, pari at madre ng ACC at tahasang sumuway at lumaban sa utos ng Banal na Patriyarka na naging dahilan upang sila ay alisan ng mandato at kapangyarihan at karangalan na tawaging pari at madre ng ACC. Hinubaran sila ng kapangyarihang magmisa at maggawad ng mga Banal na Sakramento. Sa pangyayaring iyon sila ay naging karaniwang tao, hindi na isang pari. At sa panahong iyon na sila ay walang mandato sila ay nagsama sama at unti unting nabuo ang kanilang panibagong sekta, ang CMHT. Tinagurian silang "Hator" ng Mahal na Ingkong at iminensahe na ang krus sa noo na Kanyang itinatak na dating puti ay ginawa niyang kulay pula at baligtad at binawi ang kanilang mga banal na tatak dahil sa kanilang pagsuway at paglaban sa Kanyang kagustohan at sa kalooban ng Sta Maria Virginia. Gayon pa man, patuloy na bukas ang pintuan ng ACC at ng Mahal na Ingkong at ng Patriyarka sa sinomang tinatakan na magbalik-loob sa tunay na Simbahan sakaling iwanan nila ang simbahang hindi kinikilala at hindi kilala ng Mahal na Ingkong at ng Mama.

Sa kasalukuyan, sa aking pagkaalam at kung hindi ako nagkakamali, ang mga bagong umaanib sa kanila ay kanilang pinuputungan ng kamay at ang proseso ng pagtatatak ay gayon din, maliban sa walang pangalan ng santo na sa kanila ay ibinibigay. Ang mga bagong kasapi ay tatawaging APO subalit walang banal na tatak.

Isang larawang kuha samantalang nag-puputong ang tiwalag na obispo at mga kasama.

Iyan naman talaga ang tama sapagkat wala naman silang kapangyarihan gawin ang pagtatatak. At nangangahulugan iyon na ang mga taong kanilang pinutungan ay hindi din dapat tawaging APO sapagkat ang pakahulugan ng APO ay 'Taong pinagkalooban ng kapangyarihan o biyaya ng Diyos': Acceptavit Potestatis Omnipotente.

At ang mga obispo o kaparian na gumagawa ng pagpuputong ay putol at walang ugnayan sa tunay na Simbahan, ang Apostolic Catholic Church, sila ay mga tiwalag na kaparian at pawang inalisan ng Mandato ng itinalagang Patriyarka ng Mahal na Ingkong, si Juan Florentino. Ano ang dumaloy at sumangkap sa mga taong kanilang pinutungan? Tatawagin bang Hijas de Maria ang mga birhen at kabataang babae o Angelito, o Angelita o Serapines ang mga kabataan kung wala namang banal na espiritu ng anghel ng Mahal na Birhen ang sumangkap sa kanilang pinutungan? Sa anong kapangyarihan at saan nagmula ang kapangyarihan gayong ni ga-patak o tilamsik ng malinis na dugo at laman ng Sta Maria Virginia ay wala sila? Di ba lumilitaw na isang pagpapanggap lamang, o isang sarswela at palabas lamang?

Begin Update: As of 18 May 2010:

Ang FISVKK at ang CMHT ay nahati sa dalawang pangkat. Ang FISVKK ay napunta sa dating Obispo Arcado Quito kasama ng ilang matatandang dating Obispo din. Samantalang ang CMHT naman ay napasa kay dating Father Manny, kapatid ng Patriyarka, na kamakailan nitong Mahal na Araw 2010, diumano, ay kinonsagrahang Obispo. Ang naging sentro o lugar ng ganapan ng FISVKK ay ang dating tindahan ng mga madre sa Sacrifice Valley.

End of Update

UPDATE AS OF 27 MARCH 2011

Si G. Crizalde Quito dating Obispo Arcado ay patay na, namatay sa atake sa puso, samantalang nasa ika 9 na estasyon sa pagpapasan ng krus sa kalbaryo noong Unang Pasan (March 11, 2011) sa Sacrifice Valley. Ang ika-9 na estasyon ay ang ikatlong pagkasubasob ni Hesus sa lupa. Inakala ng mga myembro na gumaganap o gaganap ang tatak at magbibigay ng mensahe. Nakalipas pa ang may 20 minuto bago nalaman at napansin na ang mga kuko ay nangingitim na. Dead on Arrival siya sa ospital.

Siya ay kasunod na namatay ni dating Obispo Eufracio Elgo matapos mamatay ang sariling ama at kapatid. Ang magandang kapatid na babae ni dating obispo Susano Armando Tomas ay dinukot, ginahasa at napatay. Walang naghangad nito sa kanila subalit maging babala nawa at panggising sa lahat na huwag sumuway at lumapastangan sa Mahal na Ingkong.

END UPDATE
CHURCH OF THE MISSIONARIES OF BELOVED INGKONG O COMBI
Ang COMBI ay sekta na itinatag ng dating Obispo Herminio Ebriega; tinatawag siyang Papang sa kanilang samahan. Mayroon silang Mamang na tinatawag sa katauhan ng dating luklukan ni Sta Adelaida, kilala bilang si Apo Adelaida.

Nagpapakilala din bilang siya ang Infinito Deus, ang Animasola. Siya din ang Birhen MAria, ang Mahal na Ingkong, at Santa Maria Virginia. Iniaaral ng Diumano si Apo Adelaida ang bagong luklukan ng Sta Maria Virginia. sektang COMBI na ang Diyos Espiritu Santo ay walang iba kundi ang Birhen Maria, at ang Birhen MAria ay nagreincarnate sa katauhan ng Sta Maria Virginia, at nang pumanaw ang Sta Maria Virginia siya ay nagbalik at lumuluklok o sumasanib kay Apo Adelaida. Dahil doon, ang Diyos Espiritu Santo ay napalitan na bilang ang Birhen Maria kung kaya sa kanilang Antanda ng Krus ay maririnig ang ganito: Sa pangalan ng Diyos Ama, Anak at Mahal na Birhen Maria. Ang gayong formula sa antanda ng krus o panawag sa tatlong persona ay maririnig din sa kanilang pag-mimisa at sa lahat ng invocation ng kanilang santisima trinidad.

Ang sentro o pirmis na dako ng kanilang ganapan ay sa Bagong Silang Caloocan City bagaman sila ay bukas sa mga imbitasyon upang sa dako at lugar na napagkasundoan ay doon sila maggaganapan na karaniwang pinasisimulan sa pagdarasal ng Sto Rosario, gamutan, pagmimisa, pagpapaluklok sa diumano ay espiritu ng mga arkangheles, pakikidigma at mala dragon ball na simulasyon ng paghahamok sa hindi nakikitang mga kalaban. Matapos niyan ay ang ganapan ng nagpapakilalang kaluluwa o espiritu ng Sta Maria Virginia. Narito ang kanilang website


ANG MARIA ERA CATHOLIC CHURCH O MECC


Ang MECC ay sektang itinatag naman ng dating Apo Juan Bosco kasama ng ilang mga kaibigang Apo at dating luklukan ng Arkanghel Sealtiel. Itinuturo nila na ang Mahal na Birhen Maria ay nagkatawang tao sa katauhan ng Sta Maria Virginia, na ang Mahal na Birhen Maria ay siya ang Mahal na Ingkong. Na ang Mahal na Ingkong ay nagdanas ng kalupitan at kamatayan sa kamay ng mga suwail. Hindi nalalayo sa aral ng COMBI ang aral ng MECC. Ang pinag-iba nila ay ang pagkakaroon ng isang batang babae na diumano ay iyon ang reincarnation ng Sta Maria Virginia. Inihahayag nila ang isang dako sa Nueva Ecija bilang ang City of God o Ciudad de Dios. Narito ang kanilang website

ANG ONE HOLY APOSTOLIC CATHOLIC CURSILLO NI APO CATALINA


Base sa aking narinig, may katagalan na din, diumano si Catalina ay sinabihan ng Mamang na siya ang bahala sa Cursillo at diumano ay katotohanan na siya ay ginagamit ng Mahal na Ingkong. Sa Marinduque ang naging sentro ng kanyang pagganap kasama ng ilang mga naakit na tinatakan. Sinasabi ng ilan na pangkat ni Catalina ay sangkot sa paghahanap at paghuhukay ng kayamanang nakabaon sa bundok o treasure hunting. Paghahanap ng kayamanan base sa udyok at mensahe ng espiritu. Nagpapasan din siya ng krus kung mahal na araw doon sa lugar nila sa Marinduque kasama ng mga naakit na tinatakan. Nagdaraos din sila ng kanilang Marian Rally o Celebration. Di ko lamang matiyak kung paano at saan sila tumatanggap ng mga sakramento. Narito ang ilang youtube videos na kanilang ganapan

May nauna pang humiwalay at nagsarili kahit noon pa mang buhay pa at kasama natin ang Sta Maria Virginia, ang tandem ni dating Obispo Maurice at dating Sister Mariam. Sa Masbate, kung di ako nagkakamali, ang kanilang lokasyon. Diumano, kahit na noon pa mang buhay ang Mama, si sister Mariam ay ginagamit daw ng Mahal na Ingkong at Mama Mary. Binago nila ang formula ng dasal na Aba Ginoong Maria at naging Aba Ginoong Mariam...at Santa MAria sa Santa Mariam. Si dating Obispo Maurice ang nadinig ko noon na dumulog sa Mama tungkol sa kaniyang paniniwala na ang Sta Maria Virginia at Mahal na Ingkong ay iisa, na ang kasa-kasama na ng mga tinatakan ay wala nang iba kundi ang Mahal na Ingkong mismo. Sa kabila ng pagbawal at pangaral sa kanya mismo ng Banal na Luklukan itinuloy pa din niya ang kanyang paniniwala hanggang sa mauwi sa kanyang pagkatiwalag bilang minandatong Obispo ng ACC.

Update 30 January 2011: Isang tinatakan ang ngayon ay gumaganap at nagmemensahe bilang Mahal na Ingkong, Mama Mary, at Sta Maria Virginia. Siya ay si Apo Cecilia (dating Apo Susana - Gng Zenaida Gatchalian). Base sa isang transcribed message niya noong 30 Dec 2010. Sinasabi niya na:
Bigo ang Mahal na Ingkong sa mga tinatakan, sa mga anak ng luklukan, sa Patriyarka at sa simbahang ACC. At dahil diyan kung kaya magtatayo (siya) ng panibagong simbahan ang Mama Mary at magtatatak ulit. Tatatakan nang panibago ang mga tinatakan ng MNI at ang magtatatak ay ang Mama ary. At ang Mama MAry at MNI ay iisa. Ang Mama Sta Maria Virginia ay luklukan at siya ay ang bagong luklukan. At siya ang babaeng magsasalba sa mundo.

NARITO NAMAN ANG PAHAYAG NG BANAL NA PATRIYARKA JUAN FLORENTINO

I WAS LED TO SEE AND WATCH THE YOUTUBE "PALABAS" NI ZENAIDA GATCHALIAN. IT WAS FRIGHTENING YET DUE TO THE FACT THAT SOME PEOPLE ARE GULLIBLE, NAPAPANIWALA. BUT, THE SAD FACTS ARE, NEITHER REBUTTAL, NOR EXPLANATION IS BEING OFFERED, WE LITERALLY ALLOW PEOPLE TO BE FOOLED BY SUCH PEOPLE. HENCE, WE SHOULD OWE IT AS A MANDATE TO DIVULGE THE TRUTH WITH SINCERITY AND INTENTION TO SAVE THE SOULS OF THEIR "VICTIMS." LET US WORK COHERENTLY WITH LOGIC AND VERACITY ON THESE MATTERS, NA PINAHAHAYAG NI ZENAIDA GATCHALIAN NA KUNWARI AY MAY 'BANAL NA SANIB.'

1, PAPAANONG GAGAMITIN NG BANAL SI ZENAIDA, LALO'T NG MNI AT/O MAHAL NA INA, KUNG MISMONG ANG TATAK NIYANG "SUSANA" AY INALIS NG MNI SA MAMA NUONG BUHAY PA ITO SA PANGANGALUYANG DAHILAN. AYAW NA RIN BUMALIK NI SANTA SUSANA SA KANYA SA BUHAY ITONG SAKSI SA MGA PINAGGAGAWA NIYA SA BUHAY, KAHIT BUHAY PA NUON ANG ASAWA NITO. PARA MASUNOD ANG KAHILINGAN NG PATRIARKA SA KANYANG INA AT MNI, ANG BANAL NA PANGALANG "CECILIA" ANG PINALIT NG MNI, AT SA KASALUKUYAN, MAGING ANG SANTA CECILIA AY INIWAN NA RIN ITO'T HINDI NA MAGBABALIK. WALA NA SIYANG BANAL NA TATAK AT HINDI NA RIN SIYA "NANAY MARIA" DAHIL KAPALALUAN AT PAGPAPANGGAP ANG PAWANG GINAGAWA NIYA SA TAO.

2. MGA ARAL NI ZENAIDA AYON SA YOU TUBE NA IPINAHAHAYAG NIYA:

2.1 ANG MAHAL NA INGKONG AT MAHAL NA INANG BIRHEN AY IISA AT SABAY NA LUMULUKLOK SA KANYANG KATAWA. SAAN KATURUANG TRADISYON O BIBLIYA ITO NARINIG, NUON MAN O NGAYON. PAWANG KASINUNGALINGAN ITO, GAYON PINUPURI NIYA KUNWARI ANG SANTA MARIA VIRGINIA, NA INA NG PATRIARKA, DR JUAN FLORENTINO TERUEL, PP., PhD. KUNG ISAN BANAL NA HINIRANG (SANAT) NG DIYOS AY INIWANAN SIYA, PAANONG DIYOS PA ANG GAGAMIT SA KANYA? ANO NAMAN KAYA ANG SINASABI NG KANYANG MGA ANAK NA BUHAY NA MGA SAKSI SA KANYA KAPALALUAN, KAHIBANGAN AT KASALANAN?

2.2 SA SIMULA'T SIMULA PA AY "ENGLISH AT PORTUGUESE:" ANG SALITA NG MAHAL NA BIRHEN, SA KAY ZENAIDA AY "TAGALOG" LANG PARA RAW ITAAS ANG WIKANG PAMBANSA. KAILAN AT PAANO NG KAROON NG UGNAYAN SI ZENAIDA SA AHENYA O KAGAWARAN NG PAMBANSANG WIKA. PUWEDE MO BANG BAGUHIN ANG NAKAGISNAN NA NG MGA TAO SA LOOB NG MGA SIGLONG TAON NA PINANGATAWANAN NG MGA TUNAY NA BANAL? NGAYON, PALIBHASA PAWANG PAGPAPANGGAP LANG ANG GINAGAWA AT TINATANGGAP AT PINANINIWALAAN NG MGA TAONG MAAARING MGA TAKOT LANG O MAAARING MGA MANGMANG.

2.3 HINDI RAW GUMAGAMIT ANG MNI NG LALAKI AT PAWANG MGA BABAE LANG. NAKALIMUTAN BA NI ZENAIDA NA ANG PATRIARKA ANG UNANG GINAMIT NG MNI SA LOOB NG ISA AT KALAHATING TAON, MATAPOS ANG MNI AY UNANG NAGPAKITA SA SEMINARISTANG FLORENTINO TERUEL SA LOOB NG ATENEO DE MANILA UNIVERSITY. HINDI BAGA SA LALAKI NAGDAAN ANG MNI UPANG LUMIPAT SIYA SA KANYANG BANAL NA LUKLUKAN? ANG MAHAL NA INANG BIRHENG MARIA AY HINDI GAGAMIT NG LALAKI, TAMA. KAYA ANG ANAK NIYANG SI "BOYET" NA EX-SEMINARIAN AT SI "ARNOLD" NA NURS-NURSAN LANG AY HINDI DAPAT SANIBAN NG MAHAL NA BIRHEN AT MANGARAL.

2.4 NAGTATATAK SI ZENAIDA GAYON WALA NAMAN SIYANG ALAM AT HINDI TOTOONG PINAGINDAPAT O PINILI SIYANG LUKLUKAN O GAMITIN, KAYA NGA SA PAGTATATAK NIYA "KUNO" ANG MGA SALITANG SUSI SA PAGPAPANAOG NG MGA BANAL AY HINDI NIYA ALAM AT HINDI GINAGAMIT. BASTA SASAWSAW NG LANG NG TUBIG SA BIGAY NG PANGALAN, HALIMBAWA "TOMAS, O VINA." MAYROON PANG KABIBIGAY NIYA NG PANGALAN NUONG ISA ARAW, TAPOS BABASBASAN ULI NIYA "KUNO." PWEDE BA IYON?? BAKA NGA PWEDE DAHIL NANGYARI ITO MISMO SA SARILI NIYANG BUHAY NA KUNDI DAHIL SA AWA AT PAKIUSAP NG PATRIARKA SA MNI NA PATAWARIN SIYA SA MALAKING KASALANAN NIYA, MULA SA PANGALANG "SUSANA AY NAGING CECILIA" SIYA. WALANG UTANG NA LOOB. NGAYON NAMAN, HINDI NA SIYA CECILIA, KUNDI DIYOS NA SIYA, DAHIL DIYOS DAW ANG MAHAL NA INA NA GUMAGAMIT SA KANYA. NAPAHALAY NAMANG DIYOS NIYAN. HABANG NAGMEMENSAHE SIYA NA DIYOS, HAWAK-HAWAK AT PINIPISIL NG LALAKING SI ARNOLD ANG KAMAY NIYA. USO NA BA ANG HOLDING HANDS SA DIYOS NGAYON?

2.5 ANG MAHAL NA BIRHEN SA KANYA AY MAGTATAYO NG SIMBAHANG GIGIBA SA LAHAT NG SIMBAHAN SA MUNDO. BAKIT ITO GAGAWIN NG MAHAL NAINA, SAMANTALANG SIMBAHAN ITO NG PINAKAMAMAHAL NIYANG ANAK NA SI HESUKRISTO. ANG HINDI TATANGGAP SA KANYA AT HINDI MAGPAPAILALIM SA KANYANG SIMBAHAN AY MAHUHULOG SA APOY NG IMPYERNO. SI KRISTO MISMO ANG NAGWIKA SA DIYOS AMA NA PATAWARIN ANG LAHAT NG NAGPAHIRAP, HUMATOL, HUMUSGA AT NAGTAKWIL SA KANYA, DAHIL HINDI NITO ALAM ANG MGA GINAGAWA NILA. SA KANYA AY NAPAKALUPIT NA INA NA MAGPAPARUSA NG KAMATAYAN SA APOY AT ASUPRE SA SARILI NIYANG MGA ANAK NA TAO DAHIL AYAW LANG SIYANG TANGGAPI O PANIWALAAN. MALUPIT NA SADYA. IWASAN. HUWAG PANIWALAAN AT TANGGAPIN.
HINDI BA ALAM NI ZENAIDA NA SA CHRISTIAN THEOLOGY, TANUNGIN MAN NIYA SA DATING SEMINARISTA NIYANG ANAK NA SI 'BOYET' KUNG KAILAN O KAHIT MINSA AY NAGTAYO NG SIMBAHAN ANG MAHAL NA INA, O MAGING SA HINAHARAP MAN. KAKALABANIN BA NG INANG BIRHEN ANG SIMBAHAN NA ITINAYO NG PINAKAMAMAHAL NIYANG ANAK NA PANGINOONG HESUKRISTO???

2.6 KUNG MAGTATAYO ANG MAHAL NA INA NG SIMBAHAN, DAPAT MAY PATRIARKA AT KAPARIAN. SINO KAYA ITO, ANG ANAK NIYA SI BOYET NA HINIWALAYAN NG ASAWA? BAKA PWEDENG MGA BABAE ANG MGA PARI DITO TULAD NG MARAMI NIYA ANAK? TUTAL, MARAMING INIWANAN DIN NG MGA ASAWA. SI ARNOLD KAYA NA UMALIS SA MATAGAL NA TRABAHO AT PINAPUNTA SA IBANG BANSA, PERO, WALA RING NAPALA'T WALANG TRABAHO'T HINDI RIN MAKAPAG-INGLIS. DUON KA NA LANG SA "PUOD NG MGA URIPON AT BAKA MAY PAGKAKATAON KA PANG MAGING ALABAY AT TIMAWA, O BABAYLAN" ANG GALING.

2.7 SA PAG-ALIS NG MNI AT MAHAL NA INA KUNO, WALA RIN BINANGGIT O DINARASAL NA SUSI PARA IHATID ANG GUMANAP NA BANAL "KUNO" UPANG IWANAN ANG KATAWANG MORTAL. BASTA NA LAMANG AALIS BASTA MAY SASALO, TAPOS AY UUSAL NG "BIRHEN MARIA INCARNATUS" NA DAPAT LAMANG SA SANTA MARIA VIRGINIA LAMANG ITO INIUUKOL. MALAKING KALAPASTANGAN.

SA MGA TINURAN KO SA ITAAS, KUNG SINUMAN O ALIMAN SA MGA ANAK O KAPANALIG NI ZENAIDA ANG IBIG NA HAYAGANG PASUBALIAAN ANG ALIN MAN DITO, HARAP-HARAPAN PWEDE KONG HARAPIN, KAHIT SAAN AT ANUMANG ORAS.

NAGPARATANG NA MUKHA RAW PERA ANG PATRIARKA AT PARANG HININGI LANG ITO O KINURAKOT SA SINUMANG KAPANALIG NIYA. OO, TOTOONG NAGHAHANAP-BUHAY ANG PATRIARKA, PERO, LEGAL AT MALINIS SA DAMI NG MGA TAONG UMAASA SA KANYA'T TINUTULUNGAN. KUNG WALANG SARILING KUMPANYA ANG PATRIARKA NUONG NAHOSPITAL ANG KANYANG INA [ANG BANAL NA LUKLUKAN], SAAN KUKUNIN ANG MAHIGIT NA TATLONG MILYON PISO NA NAGASTOS DITO, SAMPU NA NG PAGPAPALIBING.

ILAN ANG MGA ESTUDYANTENG SCHOLARS NG PATRIARKA, MULA PA NUON AT HANGGANG SA KASALUKUYAN? SAAN AT SINO ANG PINANGGALINGAN NG PERA UPANG IPATAYO ANG MGA GUSALI NG CMHT-COLLEGE DEPT AT ANG SA COLEGIO DE SANTA MARIA VIRGINIA, HINDI BA SA SIPAG AT PAMAMARAAN LANG NG PATRIARKA. DALAWA NA ANG KOLEHIYO NG ACC, SI ZENAIDA, KAILANGAN LOKOHIN NIYA PA ANG PAMANGKIN NG PATRIARKA UPANG MAKUHA NIYA ANG LUPAIN NG KUYA NITO MULA SA IISA LAMANG ANAK NITO SAMANTALANG MARAMI ANG MAY-ARING ANAK NITO. BABAWIING LEGAL ITO PARA MATIGIL ANG KANYANG KAHIBANGAN AT PANLOLOKO NG TAO.

HANGGANG SA SUSUNOD PO. "THE TRUTH WILL SET US FREE."

PATRIARKA DR JUAN


END UPDATE OF 4 JULY 2011

 
 
Bank Account Details
Join ACC_Canada's Yahoo Group Parakleto Online
 
 
Verse of The Day
“But the wisdom that comes from heaven is first of all pure; then peace-loving, considerate, submissive, full of mercy and good fruit, impartial and sincere. Peacemakers who sow in peace reap a harvest of righteousness.” (James 3:17-18)
What's New
Forum Activities
Useful Sites